Umupo si Jesus sa tapat ng hulugan ng mga kaloob doon sa templo, at pinagmasdan ang mga taong naghuhulog ng salapi. Maraming mayayamang naghulog ng malalaking halaga. Lumapit naman ang isang babaing balo at naghulog ng dalawang kusing na katumbas ng isang pera. Tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad at kanyang sinabi, "Sinasabi ko sa inyo: Ang dukhang balong iyon ay naghulog nang higit sa kanilang lahat. Sapagkat ang ibay nagkaloob ng bahagi lamang ng hindi nila kinakailangan, ngunit ibinigay ng balong ito na dukhang-dukha ang buo niyang ikabubuhay."
Ang mayayaman ay nagbigay ng malalaking halaga sa abuluyan. Ang mahirap na babaing balo ay naglagay ng dalawang kusing na tanging mayroon siya. Hindi niya inisip ang kanyang mga pangangailangan. Ang ugat ng handog-pagmamahal ng babaing balo ay ang kanyang napakalaking pagtitiwala sa Diyos. Sa pagbibigay ng lahat-lahat na mayroon siya, inilagay niya ang kanyang sarili sa kondisyon ng kagutuman at pagdarahop. Nagtitiwala siya na anupaman ang mangyari, ibibigay sa kanya ng Diyos ang kanyang mga kinakailangan.
Magbigay hanggang masaktan kayo sa pagbibigay. Ang ating Panginoon ang magbibigay ng lahat ng inyong mga kinakailangan.