Pabahay: Kailangan ng suporta (Una sa serye)
November 6, 2003 | 12:00am
NAPAKALAKING suliranin ang kakulangan sa pabahay lalo na sa Metro Manila at iba pang lungsod. Ayon sa mga pag-aaral, mula 2001 hanggang 2004, humigit kumulang na 3.6 milyon na bahay na kailangang punan. Sa kabuuang ito, ay may 1.5 milyon na bahay para sa mga bagong pamilya at 214,155 na bahay na kailangang ayusin at kumpunihin.
Ang pinakamalaking pangangailangan sa pabahay ay nasa NCR na humigit kumulang na 1,096,054 na bahay, sumusunod ang Region IV na may 655,123 at Region III na 344,152.
Sa ganitong pananaw, hindi maikakaila na ang programa sa pabahay ay patuloy na isa sa mga pangunahing programa ng maraming administrasyon. Subalit ang mga ahensiyang nagpapatupad ng programa sa pabahay ay nakakakuha lamang ng mas mababa sa 1% ng kabuuang badyet ng pamahalaan. Sa katunayan, noong 2001 0.82 % lamang ng kabuuang badyet ang napunta sa pabahay, 0.26% naman noong 2002 at 0.33% naman para sa 2003. Napakaliit lamang ito kumpara sa kabuuang pondo ng pamahalaan.
Ganoon pa man, patuloy pa rin ang aming pagsisikap na magampanan ang aming tungkulin upang sa gayon ay matupad ang pangarap na ang magkaroon ng disente at maayos na tahanan ang bawat pamilyang Pilipino. Nitong mga nakaraang buwan, patuloy pa rin ang aming pagbabago sa aming mga polisiya upang maging mas mapadali ang proseso ng pagtatayo ng bahay at gawing mas magaan ang financing para sa mga gustong umutang para bumili o magpatayo ng bahay.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended