Hiniya ng banko ang kliyente
October 25, 2003 | 12:00am
SI Tony ay isang negosyante at pastor ng Methodist Church. Mayroon siyang savings account sa isang banko na sikat sa Express Teller System na may 24 oras na serbisyo. Noong Agosto 20, 1990, nagdeposito siya ng tseke na may halagang P3,500 dahil P367.78 ang natirang balanse niya. Makaraan ang apat na araw, inutusan niya ang anak upang mag-withdraw ng P2,000 para ibayad sa kanyang utang. Subalit walang nakuhang pera ang anak, "Insufficient Funds" ang dahilan. At dahil hindi nakabayad ng pananagutan si Tony, pinutol ang kanyang credit line.
Makalipas ang tatlong linggo, muling nagdeposito si Tony ng halagang P3,500. Dito ay natuklasan niya na ang naunang P3,500 na kanyang idineposito ay hindi pa pala naitatala sa kanyang account kahit nagmulta na siya ng P25. Hiniling niya sa banko na imbestigahan ang nangyari sa kanya. Kinumpirma ng banko na nagdeposito nga si Tony ng tseke subalit nawawala ang deposit envelope nito. Hindi na nag-imbestiga pa ang banko hanggang matuklasan ni Tony na ang security guard pala ng banko ang kumuha ng kanyang pera. Sa huli, naitala rin ng banko ang deposito niya subalit pambabastos at kahihiyan ang kanyang inabot mula sa mga opisyal ng banko.
Nagsampa ng kasong recovery of moral damages si Tony laban sa banko. Pinaboran ng RTC si Tony at iginawad sa kanya ang P200,000 moral damages. Kinumpirma ito ng CA kung saan napatunayan nitong nagpabaya nga ang banko. Subalit binawasan nito ang moral damages sa P50,000 na lamang dahil naitala na naman daw ang halagang P3,500 sa account ni Tony. Tama ba ang CA?
TAMA. Ito ay kabayaran sa pinsalang natamo ni Tony tulad ng kahihiyan mula sa mga opisyal ng banko. Isinasaalang-alang din sa paggagawad nito ang katayuan ng biktima sa lipunan.
Samantala, kinakailangang gawing P100,000 ang moral damages dahil (1) si Tony ay isang negosyante at pastor ng may pinakamataas na tungkulin; (2) matindi ang natamo niyang kahihiyan at pambabastos kung saan nadungisan ang kanyang reputasyon; at (3) ang matagal na panahong hinintay ni Tony bago siya mabayaran ng banko. At kahit na inilagay sa deposito niya ang halagang hinihiling, hindi pa rin nito matutumbasan ang mga sinapit ni Tony (Samson Jr. vs. BPI G.R. 150487 July 10, 2003).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am