^

PSN Opinyon

Umunlad ang ating buhay ?

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
Umunlad  daw  ang buhay natin ayon sa Malacañang.  Sa 1000 araw daw ng panunungkulan ni Madam Senyora Donya Gloria ay gumanda raw ang buhay ng mamamayang Pilipino at ang ekonomiya raw natin ay umangat.

Pinagmalaki ito ng mga opisyales ng Palasyo na sinabi pang ito raw ay bunsod ng mga nagawa ng administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria.

Sabi naman ni Neda Secretary Romulo Neri ay base ito sa survey na ginawa ng National Statistics Office.  Hindi ko nakita ang survey na ito kaya mahirap magkomento tungkol dito.

Dagdag pa rin ni Trade and Industry Secretary at palengke boy Mar Roxas na bumaba ang presyo  ng bilihin.   Umangat daw ang turistang pumapasok sa bansa ayon naman kay Tourism Secretary and WOW Philippines Dick Gordon.

Komo mga miyembro sila ng Gabinete ni Madam  Senyora Donya Gloria baka may alam sila na hindi natin alam.  Tandaan natin, di tayo kauri, ordinaryong mamamayan lang tayo at hindi tayo ekonomista at lalong di tayo  nag-aral sa  mga unibersidad sa US.

Magagaling naman sila, mga mayayaman at galing pa sa mga sikat na pamilya kaya baka nga siguro.  Bakit kanyo? Isipin n’yo at sabihin n’yo kung totoo.

Noong araw ang ginagamit natin ay kamay lang, ngayon kutsara na.  Sosyal na tayo ngayon, kahit na plastic ang kutsarang gamit natin. MADAM Senyora Donya GLORIA.   THANK YOU VERY MUCH!

Bakit? Noong araw ang kinakain  natin ay kanin at masarap magkamay kahit na tuyo ang ulam na may kamatis at itlog na maalat, ngayon, MAGIC LUGAW na, nanggaling pa sa pondo ng PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE.  Milyon pa ang halaga.  Anong  say n’yo?  Sige  nga, text lang sa  09272654341 para sa inyong kasagutan.  
* * *
Sinibak  ni Madam Senyora Donya Gloria si Press Undersecretary Rocky Nazareno dahil naihi  ito sa may emergency exit ng eroplanong lulan ang Pangulo kamakailan.

Nagawa raw ito ni Rocky dahil sa kalasingan. Bagama’t may pagkakamali si Rocky, naniniwala tayo na masyado yatang naging marahas ang  parusa sa kanya.

Alam natin hindi tama pero madali namang linisan ang carpet ng eroplano. Isa pa, ang pagkakamali ni Rocky ay maliit at  nakita lang ng kanyang mga kasamahan sa Palasyo.  Ano ba namang bigyan siya ng babala at sabihan na susunod ay pagbawalan na siyang uminom. Warning baga!

Nagtataka lang tayo dahil bakit si Presidential Legal Counsel Avelino Cruz, Presidential Adviser Gloria Tan Climaco at Presidential Lawyer Pancho Villaraza na inakusahan ng $50 million dollar extortion ng Fraport of Germany sa World Bank  ay pinagtatangol pa?

Si DPWH Secretary Florante Soriquez naman na hinusgahan  na ng Sandiganbayan ay protektado pa  rin at ni hindi masuspinde. Si PNP Chief Ebdane naman ay  lalong tumibay kahit na nakatakas si Al Ghozi at si Bungkak naman ay nakapatay  pa.

Si Angelo Reyes at Victor Corpus naman ay napromote pa at  si GSIS head Winston Garcia nandyan pa rin kahit na naghihirap na ang karamihan sa kawani ng gobyerno.

Iilan lang yan sa naaalala natin, marami pang ibang dapat patalsikin  pero bakit  si Rocky? Di ba mukhang  double standard? Sabagay  small fry  lang si Rocky, maliit na isda lang at madaling isakripisyo. Kayo mga kaibigan, palagay n’yo?
* * *
Wag ntng hayaan na ibng bansa ang mag desisyn pra sa atin, magckap at 2lungan ang kailngan ng bwat isa. Mgcing n sana ang gobyrno sa ka22hnan.–09195342602; Kaya nman tayo naging mahirap ay dahil binoto natin ang mga pulitikong makasarili. –09175019404;

Kng alng krakut kyang umcnso n bansa kya tau huwag na umasa s gobyrno ala n tyong maaasahan mgsarilng ckap  n tau huwag taung umasa s iba. Ang US may sarilng interest yan. –09195569469; Mging msipg at iwasan ang koraption para umunlad. –09183269854;

Wag tau umasa k ankol sam, magsumikap tau ngunit ppano kurap na pulitiko lng ginhawa buhay. –09165386933;  Moral, espiritwal at katawan ay sinisira ng drogang galing tsina. Bakit ayaw mag rally ng lfs, Gabriela, bautista, ocampo, beltran at maza? Komunista kayo no? –09182138133;

Wla nman clbi pgbcita n bush. Gastos lng la nmn napala  ganda points pra GMA pro satin wla. Lalo lubog utang Pilipinas dhl dyan s bush visit n yan. –09196658579; Walang 22long s pilipino kundi kapwa pilipino! D ble nang mhrap bsta cmplle buhay kesa myman mrming utang at kaso. –09197958871;

Dpat c Gloria arroyo d laging sunud sunuran kay bush. –09197609288; Dtayo dapat umasa sa mga tulong ng iba. Dapat tayong mga pilipino magsumikap d  tayo aasa sa kanila. –09205903449; PGMA  bakit mo ikinahihiya mga skwatters  kay  bush? D ba cla ung cnasabi 22lungan mo n d  naman na2pad? –09204240463;

Alisin lhat ng   pork brrel nng snado/congrso at gwing puhnan sa negosyo ng gbyerno. Myaman  ang Pnas sa rsources sa lupa, bundok at dagat  na dpat  lnangin upng mg kron ng mramng trbaho. Hndi ung  nag mumukhng timawa na lging aasa $ ng kano. At baka pnta  lng sa JOSE PIDAL acct. –09183427998;

Si gma  at mike ang salot ng byn kc erap terms dlwang beses nag increase and sahod ng kay gma khit singkong bulag wla.  280 prin ang minimum wage. Gutom ang sambayanang pilipino. –09273830275.
* * *
Para sa anumang reaksyon, mag-e-mail lang sa [email protected] o kaya’y mag-text sa 09272654341. Mapapakinggan  n’yo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

AL GHOZI

BAKIT

LANG

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

NAMAN

NATIN

TAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with