Maging responsable kung may baril

MARAMI ang kontra sa gun ban ngunit marami rin ang pabor dito. Ayon sa mga sumasalungat, higit na dapat na magkaroon ng armas bilang pang-self defense lalo na sa panahong ito na laganap ang krimen.

Marami ang naghahangad ng gun less society subalit ang peace and order problem ay nananatili sa maraming dako ng bansa.

Sa mga taong may baril sa tahanan ay dapat na ibayong pag-iingat ang gawin. Naiulat ang iba’t ibang kaso nang pagpatay dahil sa baril na sangkot ang mga bata. Ilan ang pulis ang napatay ng sariling baril matapos paglaruan ng kanilang mga anak. Ilan na ang nakasuhan ng parricide at murder. Sa Amerika, 10 bata ang napapatay araw-araw ng handguns.

Bilang mga magulang, dapat na pakaisipin na ang baril sa bahay ay magsisilbing sandata na pananggol at mitsa rin sa buhay ng sinumang kasambahay. Ang mga bata ay curious at clever kaya madali nilang natutukoy kung saan itinatago ang baril. Ang maliliit na bata ay hindi alam ang pagkakaiba ng baril sa laruang baril-barilan at hindi nila batid ang magiging deadly consequences. Isipin natin na maging ang tatlong taong bata ay puwedeng kumalabit ng gatilyo ng baril na akala niya ay toy gun.

Show comments