Wala kaming kinalaman sa FIRST QUADRANT
October 20, 2003 | 12:00am
UNTI-UNTI ng naalarma ang kolum na to sa dami ng mga katanungang aming natatanggap hinggil sa FIRST QUADRANT.
Marami ang mga nag-email, nagti-text at nakikipag-usap sa akin sa telepono. Iisa ang kanilang katanungan. Pyramiding nga ba ang nabanggit na kumpanya?
Isa sa mga nagtatanong, humihingi sa akin ng dokumento? Yung dokumento raw na magpapatunay na ang FIRST QUADRANT ay hindi sangkot sa pyramiding.
Sa tema ng katanungan nitong humihingi ng dokumento, para bang may pinanghahawakan akong matibay na ebidensiya pabor sa FIRST QUADRANT.
Naglalaro tuloy sa aking isipan ang katanungang hindi kaya ginamit ako bilang endorser na lingid sa aking kaalaman?
Di naman kaya sadyang kinakaladkad ang aking pangalan at ang kolum na to na hindi namin nalalaman?
Nangyari na noon na kung saan ginamit ako ng isang networking company sa pamamagitan ng kanilang CD presentation. Nakaabot ito sa aking kaalaman na ginamit daw nila ito laban sa kanilang katunggali sa kanilang mga seminars.
Gusto kong maging sinlinaw ng sikat ng araw. Wala akong kinalaman sa mga internal na mga gawain ng kumpanyang FIRST QUADRANT at iba pang mga networking company.
Nagsagawa kami ng imbestigasyon nung buwan ng Marso hinggil sa mga networking company na kara-karakang pinangalanan ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Securities and Exchange Commission (SEC) na sangkot daw sa ILIGAL PYRAMIDING noon.
Napabilang sa listahan ng DTI ang FIRST QUADRANT, POWERHOMES at ilan pang mga kumpanya. Ikinalat ng DTI sa mga embahada natin sa mga bansang may mga OFW tayo.
Naipalabas rin namin sa TV sa pamamagitan ng programang BITAG na ang mga kumpanyang nabanggit ng DTI ay mga rehistrado at legal ang mga papeles.
Subalit wala kaming inindorso sa mga kumpanyang napabilang sa listahan ng DTI at ng SEC. Wala kaming pinaboran o kinilingan man sa kanila. May karugtong.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest