Nakakahiya nga talaga !
October 17, 2003 | 12:00am
KINAKAILANGAN palang may dumating munang bisitang tulad ni US President George W. Bush, para maging malinis at maisaayos ang kamaynilaan.
Lahat ng madadaanan ni Bush at ng kanyang mga "alipores", mapanghimpapawid o mapalupa man, kinakailangan ay maganda sa paningin.
Yung lumulubhang problema sa mga kumakalat na squatters na hindi matinag-tinag, presto, agad nalinis mabilis pa sa alas kuwatro!
Ang sarap pala sa mata, nakakapanibago. Biglang naging maaliwalas ang tanawin. Ilan sa mga lugar na datiy masisikip ngayon ay lumuwag. Yun nga lang, pumalag yong mga naapektuhan.
Susmaryosep! nakakahiyang sabihin na ang kinakailangan lang pala nating mga "little brownies" ay isang puting Santa Claus na presidente "ubanin" tulad ni Bush.
May "political will" naman pala ang ating pamahalaan kung gugustuhin na sa mga bagay na gusto nilang mangyari. Papaano pag-alis ng bisita? Balik na naman sa dating gawi. Nakakahiya!
Nakakahiya nga talaga ang umanoy "pangongotong" na pinaparatang ng German Airport Operator Fraport AG laban sa dalawang opisyal ng Malacañang sa International Arbitration Tribunal.
Ang akusasyong ito ay seryoso. Dahil ang nagsasalita ay foreign investor. Kapag hindi maagapan agad ang sigalot na to, lalo pa itong lulubha. Partikular malapit-lapit na ang halalan.
Ang salitang kompiyansa at tiwala sa ating bansa ng mga banyagang mangangalakal (foreign investors) ang nakataya. Pinatitibay lamang ang pananaw na hindi nga maganda ang klima ng "investment" sa bansang Pilipinas.
Matindi ang pulitika sa bansa. Walang katiyakan para sa mga dayuhang investors. Dahil wala ring katiyakan ang utak ng mga nakaupo. Sino nga naman ang magkakaroon ng kumpiyansiya?
Ibang usapan para doon sa mga uri ng negosyo na maituturing "speculative investment". Hindi ito ang nararapat sa ating bansa.
Para sa TIPS; type BITAG<space>TIPS<space>(message)
COMPLAINTS; type BITAG<space>COMPLAINTS<space>(message)
FEEDBACK; type BITAG<space>FB><space>(message)
I-text at i-send sa 2333 (Globe / TouchMobile) o 334 (Smart / TalknText).
O tumawag sa telepono 932-5310 / 932-8919. At makinig sa DZME 1530 Khz, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. At panoorin ang programang "BITAG" sa ABC-5, tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon.
Lahat ng madadaanan ni Bush at ng kanyang mga "alipores", mapanghimpapawid o mapalupa man, kinakailangan ay maganda sa paningin.
Yung lumulubhang problema sa mga kumakalat na squatters na hindi matinag-tinag, presto, agad nalinis mabilis pa sa alas kuwatro!
Ang sarap pala sa mata, nakakapanibago. Biglang naging maaliwalas ang tanawin. Ilan sa mga lugar na datiy masisikip ngayon ay lumuwag. Yun nga lang, pumalag yong mga naapektuhan.
Susmaryosep! nakakahiyang sabihin na ang kinakailangan lang pala nating mga "little brownies" ay isang puting Santa Claus na presidente "ubanin" tulad ni Bush.
May "political will" naman pala ang ating pamahalaan kung gugustuhin na sa mga bagay na gusto nilang mangyari. Papaano pag-alis ng bisita? Balik na naman sa dating gawi. Nakakahiya!
Ang akusasyong ito ay seryoso. Dahil ang nagsasalita ay foreign investor. Kapag hindi maagapan agad ang sigalot na to, lalo pa itong lulubha. Partikular malapit-lapit na ang halalan.
Ang salitang kompiyansa at tiwala sa ating bansa ng mga banyagang mangangalakal (foreign investors) ang nakataya. Pinatitibay lamang ang pananaw na hindi nga maganda ang klima ng "investment" sa bansang Pilipinas.
Matindi ang pulitika sa bansa. Walang katiyakan para sa mga dayuhang investors. Dahil wala ring katiyakan ang utak ng mga nakaupo. Sino nga naman ang magkakaroon ng kumpiyansiya?
Ibang usapan para doon sa mga uri ng negosyo na maituturing "speculative investment". Hindi ito ang nararapat sa ating bansa.
COMPLAINTS; type BITAG<space>COMPLAINTS<space>(message)
FEEDBACK; type BITAG<space>FB><space>(message)
I-text at i-send sa 2333 (Globe / TouchMobile) o 334 (Smart / TalknText).
O tumawag sa telepono 932-5310 / 932-8919. At makinig sa DZME 1530 Khz, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. At panoorin ang programang "BITAG" sa ABC-5, tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am