Akusado ng pakikipagsabwatan
October 12, 2003 | 12:00am
HINDI madaling matanggap ng mga Judio na nakapagpapalayas ng mga demonyo si Jesus. Sa akala nila, ang kapangyarihan ni Jesus ay nagmumula sa kapangyarihan ni Beelzebul. Alam ni Jesus na ang kanilang pag-uugali ay nagmumula sa katigasan ng kanilang puso (Lk. 11:14-23).
Minsan, pinalayas ni Jesus ang isang demonyong sanhi ng pagkapipi ng isang lalaki, at itoy nakapagsalita na mula noon. Nanggilalas ang mga tao, ngunit may ilan sa kanila ang nagsabi, "Si Beelzebul na prinsipe ng mga demonyo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo." May iba naman na nais siyang subukin, kaya nagsabi, "Magpakita ka ng kababalaghang magpapakilala na ang Diyos ang sumasaiyo." Ngunit alam ni Jesus ang kanilang iniisip, kaya sinabi sa kanila, "Babagsak ang bawat kaharian na nahahati sa magkakalabang pangkat at mawawasak ang mga bahay doon. Kung maghihimagsik si Satanas laban sa kanyang sarili, paano mananatili ang kanyang kaharian? Sinasabi ninyong nagpapalayas ako ng mga demonyo sapagkat binigyan ako ni Beelzebul ng kapangyarihang ito. Kung akoy nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, sino naman ang nagbigay ng kapangyarihan sa inyong mga tagasunod na makagawa ng gayon? Sila na rin ang nagpapatunay na maling-mali kayo. Ngayon, kung akoy nagpapalayas ng mga demonyo sa kapangyarihan ng Diyos, nangangahulugan na dumating na sa inyo ang paghahari ng Diyos.
"Kapag ang isang taong malakas at nasasandatahan ay nagbabantay sa kanyang bahay, malayo sa panganib ang kanyang ari-arian. Ngunit kung salakayin siya at talunin ng isang taong higit na malakas, sasamsamin nito ang mga sandatang kanyang inaasahan at ipamamahagi ang ari-ariang inagaw.
"Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin, at nagkakalat ang hindi tumutulong sa aking mag-ipon."
Hindi maniwala ang mga Judio na si Jesus ay nagmula sa langit. Gaya nang aking nabanggit, nalalaman ni Jesus na ang pag-uugali ng mga Judio sa kanya ay nagmula sa katigasan ng kanilang puso. Malinaw na kung pinapayagan ni Satanas si Jesus na magpalayas ng mga demonyo, sinisira mismo ni satanas ang kanyang sarili. Mahirap tanggapin ng mga Judio na ang kapangyarihan ni Jesus ay nagmumula sa Diyos.
Alam ni Jesus na ang pagkainggit at pagtangging maniwala ang humahadlang sa mga Judio na manalig. Datapwat walang-pagod niyang ibinahagi sa kanila ang salita ng Diyos.
Siguruhin natin na hindi tayo matutulad sa inugali ng mga Judio. Manalig nawa tayo ng buong puso na ang kapangyarihan ni Jesus ay nagmumula sa Diyos.
At wala siyang ibang ninais kundi ang ibahagi sa atin ang katotohanan tungkol sa kanyang sarili.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended