^

PSN Opinyon

Suportahan ang GSIS,huwag patayin

- Al G. Pedroche -
SA kabila ng mga pagbatikos sa Government Service Insurance System (GSIS), natutuwa ako’t may malaking grupo ng mga empleado ng gobyerno na sumusuporta at nakauunawa sa problema nito. Ito ang Philippine Government Employees Association (PGEA).

May kasabihang huwag maging parte ng problema kundi maging bahagi ng solusyon. Iyan mismo ang attitude ng PGEA sa gitna ng galit ng ilang empleado ng pamahalaan dahil nabibimbin diumano ang kanilang mga inuutang at iba pang benepisyo mula sa paseguruhan ng pamahalaan.

Dahil diya’y umaapela (at nakikiisa ako) si PGEA president Esperanza Ocampo sa kanyang kapwa GSIS members na magpakahinahon dahil ang ano mang marahas na hakbang laban sa GSIS ay posibleng maging dahilan ng tuluyang pagbagsak ng ahensya. Aniya, "huwag patayin ang GSIS kundi suportahan."

Isa sa mga sanhi diumano ng pagkabinbin ng release ng mga pautang at ibang benepisyo ay hindi kawalan ng pondo ng GSIS kundi ang pagkabigo ng ilang opisina ng gobyerno na mag-remit ng premium ng kanilang mga empleado.

Nagpatupad din ng "computerization program" si GSIS President Winston Garcia upang linisin ang mga record ng GSIS to make the agency more efficient. Isa pa ring dahilan iyan kung bakit nagkaroon ng pagkakabinbin ang disbursement ng mga pautang at benepisyo. The goal is good pero naapektuhan nga naman ang mga miyembro. Kaya ang panawagan ni PGEA President ay "pabilisin ang ginagawang clean-up program."

Maganda ang iskemang ito at dapat suportahan. Pero may katuwiran din namang umalma ang mga miyembro sa pagkabalam ng kanilang mga benepisyo at inuutang. Kaya lang, wala akong makitang mabuting ibubunga ng mass action laban sa ahensya.

ANIYA

DAHIL

ESPERANZA OCAMPO

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

GSIS

ISA

KAYA

PHILIPPINE GOVERNMENT EMPLOYEES ASSOCIATION

PRESIDENT WINSTON GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with