May mga tips na ibinigay ang leading obstetrician-gynecologist na si Dr. Concordia M. Pascual para mapanatili na healthy ang vagina. Huwag mag-deuche hanggat hindi ipinapayo ng doktor. Puwedeng ipang-irigasyon ang suka at mainit na tubig. Hugasan ng marahan ang genital area apat hanggang limang beses sa isang araw ng malinis na tubig lang ang ipanghuhugas. Huwag gumamit ng brushes, sponges at daliri sa paglilinis ng loob ng ari. Huwag magbabad sa bubble bath dahil ang perfume o pabango ay makaiirita sa genitals. Iwasan ang paggamit ng sabon at shower gels na magdudulot ng skin irritation or allergy.
Sabi pa ni Doktor Pascual dapat na ang mag-asawa ay hugasan ang kanilang mga ari ng malinis na tubig bago at matapos na magsiping. Makabubuti rin na umihi sa loob ng 30 minuto matapos na mag-sex para maiwasan ang urine infection at iwasan din ang pagsusuot ng masikip na panty at jeans na sanhi ng pagpapawis na nakaiirita sa balat. Idinugtong niya na vaginal deuche is frequently cited as a cause of disturbance of the vaginal flora (bacteria) leading to the onset of bacterial vaginosis.
Si Dr. Pascual ay dating pangulo ng Philippine Medical Association at ngayon ay presidente ng Philippine Mental Health Association at National Federation of Womens Clubs of the Philippines at may-ari ng Pascual General Hospital sa Quezon City.