Basahin ang Lukas 10:13-16.
"Kawawa ka, Corazin! Kawawa ka, Betsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga kababalaghang ginawa rito sa inyo, disin sanay malaon na silang nagdaramit ng sako at nauupo sa abo upang ipakilalang silay nagsisisi. Sa Araw ng Paghuhukom, higit na mabigat ang kaparusahan ninyo kaysa kaparusahan ng mga taga-Tiro at taga-Sidon.
"At ikaw, Capernaum, ibig mong mataas hanggang sa langit? Ibabagsak ka sa Hades!
"Ang nakikinig sa inyoy nakikinig sa akin, ang nagtatakwil sa inyoy nagtatakwil sa akin, at ang nagtatakwil sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa akin."
Ang mensahe ni Jesus na nananawagan sa mga tao na magsisi ay hindi tinanggap. Ang sabi nila sila ay ang ang bayang pinili ng Diyos. Ang mga hindi Judio o mga Hentil na taga-Tiro at Sidon ang siyang mga nagsisi. Karapat-dapat silang makapasok sa kaharian ng Diyos.
Ano ang sinasabi ni Jesus sa atin? Nais ng Diyos na maghari sa ating mga puso, sa ating mga buhay. Kung talagang nais natin na maghari ang Diyos sa ating mga buhay, dapat nating baguhin ang estilo ng ating pamumuhay. Dapat tayong magsisi. Anong pagbabago ang magaganap sa ating buhay! Ito ang totoong buhay. At sa ating buhay sa kabilang-buhay, mas lalo nating mapapahalagahan na tayo ay gumawa nang tamang disisyon.