^

PSN Opinyon

Ang panawagan sa pagbabagong-loob

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
ANG kaligtasan ay may kinalaman sa paghahari ng Diyos sa puso ng mga tao. Ang mga taong magbabagong-loob ay kailangan talikuran ang kanilang mga kasalanan. Ang bayan ng Corazin, Betsaida at Capernaum ay tumanggi sa ganitong pagbabago.

Basahin ang Lukas 10:13-16.

"Kawawa ka, Corazin! Kawawa ka, Betsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga kababalaghang ginawa rito sa inyo, disin sana’y malaon na silang nagdaramit ng sako at nauupo sa abo upang ipakilalang sila’y nagsisisi. Sa Araw ng Paghuhukom, higit na mabigat ang kaparusahan ninyo kaysa kaparusahan ng mga taga-Tiro at taga-Sidon.

"At ikaw, Capernaum, ibig mong mataas hanggang sa langit? Ibabagsak ka sa Hades!

"Ang nakikinig sa inyo‚y nakikinig sa akin, ang nagtatakwil sa inyo’y nagtatakwil sa akin, at ang nagtatakwil sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa akin."


Ang mensahe ni Jesus na nananawagan sa mga tao na magsisi ay hindi tinanggap. Ang sabi nila sila ay ang ang bayang pinili ng Diyos. Ang mga hindi Judio o mga Hentil na taga-Tiro at Sidon ang siyang mga nagsisi. Karapat-dapat silang makapasok sa kaharian ng Diyos.

Ano ang sinasabi ni Jesus sa atin? Nais ng Diyos na maghari sa ating mga puso, sa ating mga buhay. Kung talagang nais natin na maghari ang Diyos sa ating mga buhay, dapat nating baguhin ang estilo ng ating pamumuhay. Dapat tayong magsisi. Anong pagbabago ang magaganap sa ating buhay! Ito ang totoong buhay. At sa ating buhay sa kabilang-buhay, mas lalo nating mapapahalagahan na tayo ay gumawa nang tamang disisyon.

vuukle comment

ANO

ANONG

BETSAIDA

CAPERNAUM

CORAZIN

DIYOS

KAWAWA

SA ARAW

SIDON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with