^

PSN Opinyon

Cabinet Secretary at kaibigang governor,maglalaban sa eleksiyon

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang naghiwalay na ng landas ang magandang samahan ng isang Cabinet secretary at isang governor?

Ayon sa ating bubuwit, 90 days na lang at Pasko na.

Happy birthday kay dating Isabela Gov. Ben Dy, Jennifer ‘‘Flower’’ Simon ng DZRH, Atty. Diosdado Padilla, Rudy Macalma, Lilia Federico, Lola Upeng Itoralba, Gillie Caparas at Jojo Cheung ng MBC.
* * *
Naniniwala ba kayo sa kasabihang ‘‘There are no permanent friends, only permanent interest,’’ sa larangan ng pulitika?

Ayon sa aking bubuwit, ito ngayon ang nangyayari sa dalawang dating matalik na magkaibigang pulitiko.

Dati-rati ay talagang sobra pa sa pagiging matalik na magkaibigan ang dalawang pulitikong ito.

Inalagaan kasi ni Cabinet Secretary si governor noong ito ay bagito pa sa pulitika sa kanilang probinsiya.

Noong governor pa si Cabinet Secretary, vice-governor naman niya noon si babae.

At noong kumandidato sa mas mataas na posisyon si Secretary si babae ay pinakandidato naman na governor.

Dahil magaling naman at malakas ang karisma ng lady official, siya ay nanalong governor.

Ang malungkot na pare, natalo si Cabinet secretary.

Ayon sa aking bubuwit, dalawang beses kumandidato sa pagka-senador ang mentor ni lady governor subalit parating hindi sinusuwerte.

At ngayong nalalapit na naman ang eleksiyon, dahil walang mapuntahang iba si Secretary, siya ay kakandidato na lamang bilang gobernador.

Ang problema, meron pang isang terminong natitira kay gobernadora kaya ayaw namang umalis siyempre sa kanyang puwesto.

Ang resulta, sila ngayon ang maglalaban sa darating na eleksiyon.

Napakahirap yatang maglaban ang dating may magandang pinagsamahan ano.

Paano ’yan, maglalabasan din kaya sila ng kanya-kanyang baho.

Magsisiraan kaya silang dalawa tulad sa mga magkakalabang pulitiko?
* * *
Ayon sa aking bubuwit, nagsimula pala ang away ng dalawa nang labanan ni governadora ang kapatid ni Cabinet secretary na kumandidato noon sa pagka-ABC president.

Ayon sa kampo ni Mr. Secretary, masyado nang lumaki ang ulo ng gobernadora.

Upang turuan diumano ng leksiyon, lalabanan ngayon ni Mr. Secretary ang gobernadora na higit pa sa matalik na magkaibigan ang pagsasamahan noon.

Ayon sa aking bubuwit, ang Cabinet secretary at gobernadora na nagbabangayan na ngayon…

At nakahanda nang maglaban sa pagka-governor sa susunod na eleksiyon ay sina…

Siya ay sina Agrarian Reform Sec. Roberto Pagdanganan at Bulacan Gov. Josie dela Cruz.

vuukle comment

AGRARIAN REFORM SEC

AYON

BEN DY

BULACAN GOV

CABINET SECRETARY

DIOSDADO PADILLA

GOVERNOR

MR. SECRETARY

SECRETARY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with