Isang araw, samantalang nananalanging mag-isa si Jesus, lumapit sa kanya ang kanyang mga alagad. Tinanong niya sila, "Sino raw ako ayon sa mga tao?" Sumagot sila, "Ang sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo; sabi naman ng iba, si Elias kayo, at may nagsasabi pang nabu-hay ang isa sa mga propeta noong una." "Kayo naman, ano ang sabi ninyo?" tanong niya sa kanila. "Ang Mesias ng Diyos!" sagot ni Pedro.
Itinagubilin ni Jesus sa kanyang mga alagad na huwag na huwag nilang sasabihin ito kaninuman. At sinabi pa niya sa kanila, "Ang Anak ng Taoy dapat magbata ng maraming hirap. Itatakwil siya ng matatanda ng bayan, ng mga punong saserdote at ng mga eskriba. Ipapapatay nila siya, ngunit sa ikatlong araw ay muling mabubuhay."
Ang sagot ni Pedro ay tama. Si Jesus nga ang Mesias. Subalit nais linawin ni Jesus sa kanila kung ano ang ibig sabihin ng pagiging Mesias. Ang Mesias ay dapat magbata ng hirap at mamamatay. At sa bandang huli ay mabubuhay na mag-uli. Naunawaan lamang ito ng mga alagad pagkatapos ng Pasyon ni Jesus at ng kanyang pagkabuhay na mag-uli.
Mahalaga para sa mga alagad na matutunan ang aral na ito. Mahalaga rin para sa atin na matutunan ang aral na ito sa ating sariling Kristiyanong pamumuhay.<