^

PSN Opinyon

Ang misyon ng 12 alagad

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
TINAWAG ni Jesus ang 12 alagad at sinugo sila sa isang misyon. Ibinigay niya sa kanila ang tatlong bagay na dapat nilang ipatupad sa kanilang misyon. Basahin ang Lk. 9:1-6.

Tinawag ni Jesus ang Labindalawa at binigyan sila ng kakayahan at kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo at magpagaling ng mga karamdaman. Sinugo niya sila upang ipahayag ang paghahari ng Diyos at magpagaling ng mga maysakit. Sila’y pinagbilinan: "Huwag kayong magbaon ng anuman para sa inyong paglalakbay –kahit tungkod, supot, tinapay, salapi o bihisan. Makituloy kayo sa alinmang bahay na tumanggap sa inyo, at manatili roon hanggang sa pag-alis ninyo sa bayang iyon. At sakaling hindi kayo tanggapin, umalis kayo roon, at ipagpag ninyo ang alikabok ng inyong mga paa bilang babala sa kanila." Kaya humayo ang mga alagad at naglakbay sa mga nayon, na ipinangangaral ang Mabuting Balita at nagpapagaling ng mga maysakit sa lahat ng dako.


Ang paghahari ng Diyos ay isinasalarawan bilang ang pag-aalis ng sakit at kahirapan. Subalit ito’y nangangahulugan, higit sa lahat, ng paghahari ng pagmamahal ng Diyos sa puso ng bawat tao. Sinasabi ni Jesus sa mga alagad na huwag magdala ng anuman. Hinihingi niya sa kanila na umasa sa mapagpalang kalinga ng Diyos. Sa pamamagitan ng simpleng pamumuhay at pag-alis ng mga pagkahilig sa mga bagay-bagay, mas makatutuon sila sa kanilang misyon para sa paghahari ng Diyos.

BASAHIN

DIYOS

HINIHINGI

HUWAG

IBINIGAY

KAYA

LABINDALAWA

LK

MABUTING BALITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with