EDITORYAL - Pumapasadang mga 'kabaong'
September 24, 2003 | 12:00am
KARANIWAN na lamang ang pagbabanggaan ng mga pampasaherong bus na nagbubuwis ng buhay ng maraming pasahero. Hindi lamang dito sa Metro Manila nagkakaroon ng malalagim na aksidente kundi pati na rin sa mga probinsiya. Pinakabago ang naganap na aksidente sa national highway ng Gattaran, Cagayan noong Linggo ng hapon. Labing-lima na ang naiulat na namatay at may 32 ang grabeng nasugatan. Nagbanggaan ang Florida Bus at ang Cabulisan Bus. Patungo sa Maynila ang Florida Bus nang makasalubong ang humahagibis na Cabulisan Bus na patungo ng Claveria, Cagayan. Sa lakas ng impact, pawang sa ulo ang pinsala ng namatay na pasahero. Sa lakas ng pagkakabangga, nadamay din ang dalawa pang sasakyan.
Ito ang pinaka-grabeng trahedya sa lansangan na naganap sa taong ito. Noong nakaraang taon, sunud-sunod din ang mga aksidente sa bus na marami rin ang namatay. May mga nahulog sa bangin. May mga bus na kung hindi man nababangga ay nananagasa naman ng mga pedestrians.
Sa bansang ito ay karaniwan na lamang ang pagpasada ng mga tinataguriang umuusad na kabaong. Kahit na kakarag-karag na ay ibinibiyahe pa at tila wala namang pakialam ang mga kinauukulan sa problemang idudulot ng mga "pumapasadang kabaong". Sa kahabaan ng EDSA na lamang ay napakaraming mga "pumapasadang kabaong" na naglalagay sa panganib ng mga pasahero. Marami ring bus drivers ang addict sa shabu kaya kung mag-drive ay walang patumangga. Walang pakialam sa buhay ng ibang tao.
Karaniwang ang nagiging dahilan ng mga aksidente sa lansangan ay dahil sa kakulangan ng mga street signs. Sa mga delikadong lugar halimbawa sa bundok ay walang barandilya kaya dere-deretso kung mahulog. Patay ang mga kawawang pasahero.
May ginagawa bang hakbang ang Department of Transportation ang Communications (DOTC) dito o ang mga opisyal sa nasabing tanggapan ay hindi kumikilos habang nagpapalamig sa kanilang mga opisina. Aksiyunan ang madalas na trahedya sa lansangan. Ipagbawal na ang mga kakarag-karag na bus at siguruhing ang mga driver ay dumadaan sa drug test. Hindi naman kaila, na saklot ng corruption ang pagdaan sa drug test ng mga driver. Babayaran lang ang result ng drug test at ayos na ang butu-buto. Maaari nang mag-drive si addict. Maaari na siyang magpasirko ng bus sa bangin at higit sa lahat, maaari na siyang lumipad patungo sa kanyang kamatayan.
Pagtutuunan ng pansin ang pagpasada ng mga "kabaong".

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am