Marami rin ang mga biyaya buhat sa oregano na hindi lamang dito kundi maging sa ibang bansa ay napatunayang epektibong halamang gamot. Sa Tsina ang oregano ay nilalaga at ginagawang tsaa. Ang oregano tea ay hinahaluan ng honey para masarap inumin. Sa India ang katas ng oregano ay gamot sa namamagang talukap ng mata. Sa Malaysia ay gamit ang oregano sa mga dumaranas ng pananakit ng dibdib at gamot din sa ubo at bronchitis.
Sa mga napaghihilo habang nagbibiyahe dapat silang painumin ng nilagang bulaklak ng oregano para mapawi ang kanilang pagkahilo. Mabisa ring gamot ang oregano sa may indigestion, kabag at sa mga babaeng sobrang sakit ng puson kapag nireregla. Gamot din ang oregano sa paso, buni at iba pang skin diseases. Mayaman ang oregano sa volatile oil at calcium. Gaya ng pandan, ito rin ay pampalasa ng pagkain.