^

PSN Opinyon

Hindi pa hinog si Gen. Galang para mag-PNP chief

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MARAMI ang nagtaas ng kilay sa Camp Crame dahil sa pagmamadali ng Palasyo na i-promote bilang director ang sobrang buwenas sa buhay na si Chief Supt. Enrique ‘‘Ike’’ Galang, hepe ng directorate for operations ng Philippine National Police (PNP). Kaya nasabi nating minadali ang promotions ni Galang mga suki, dahil limang buwan pa lamang siya sa puwesto. ‘Ika nga hindi pa hinog at wala naman siyang maipakitang kababalaghang accomplishment maliban sa kababayan niya na si Presidente Arroyo.

Napag-alaman natin sa Camp Crame na naunang isalang ang promotions nina Chief Supt’s. Rolando Garcia ng Directorate for Investigation at Roberto Delfin ng PRO 7, subalit naunang umusad ang papeles ni Galang na inihabol lang sa Napolcom nitong nagdaang mga araw. Si Galang ay na-promote noong September 5 samantalang sina Garcia at Delfin ay apat na araw na makalipas. Parang may gustong i-establish ang Palasyo at ’yon nga ay ang seniority status ni Galang, he-he-he! Tiyak may magandang hinaharap si Galang habang nasa puwesto si GMA, di ba mga suki?

Si Galang na kaya ang matawag nating alternative ng Palasyo na mamuno sa PNP kapag mapilitan silang i-retire si PNP chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr.? ’Yan ang katanungang umiikot sa ngayon sa Camp Crame. Pilit kasing minamaniobra ng Kapampangan connection sa Palasyo na maiupo si Galang para pangalanganan ang kandidatura ni GMA kapag isinulong niya ang balak na tumakbo sa darating na 2004 May elections. Kaya may katwiran ang mga alipores ni Galang na magdiwang, lalo na ’yong mga tong collectors na bitbit n’ya, habang kumakalat ang balita na papasok siya na hepe ng NCRPO kapalit ni Dep. Dir. Gen. Reynaldo Velasco. Buhay na naman ang mga hasang nila lalo na sina Eddie Manalastas at Boy Pineda, he-he-he! Ano ba ’yan?

Ayon sa mga pulis sa Camp Crame, doon na sa NCRPO makukuha ni Galang ang kanyang pangatlong star bago siya tuluyang pumalit kay Ebdane nga. Kung tutuusin hindi si Galang ang pinaka-senior sa PNP natin kundi si Velasco, at mga kaklaseng sina Dep. Dir. Gen. Edgar Aglipay at Virtus Gil. Kung susundin ang seniority system, tulad ng pinapairal ni GMA sa military, si Velasco na ang susunod na uupo bilang PNP chief nga at kasunod sina Aglipay at Gil. Pero may allergy ang Palasyo sa tatlong mga miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 71 kaya’t pilit nilang pinapahinog si Galang bilang alternatibo nga. Ang kasalanan lang ng tatlo ay naging kaklase nila sina Sen’s. Ping Lacson at Gringo Honasan na hanggang sa ngayon ay pilit na ginigiba ang gobyerno ni GMA.

Para malampasan sina Velasco, Aglipay at Gil, dito ipipilit ng Palasyo ang pag-upo ng kababayan ni GMA na si Galang. Kapag si Galang ang naupong PNP chief, paano niya mauutusan sina Velasco, Aglipay at Gil? Ang gulo talaga nitong PNP natin, no mga suki? At malinaw pa sa isipan ng mga pulis na nakausap ko ang kaso noon ni Lacson na pinili ni dating Presidente Joseph Estrada, kahit hindi siya ang nangunguna sa seniority list. Nagkaroon ng malawakang demoralisasyon at nagulat na lamang si Erap nang ang mga nilampasan ni Lacson ang naunang mag-aklas laban sa kanya noong EDSA 2. Mangyayari rin kaya ito sa liderato ni GMA? Abangan.

vuukle comment

AGLIPAY

BOY PINEDA

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

GALANG

GIL

PALASYO

SI GALANG

VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with