^

PSN Opinyon

Million of pesos na halaga ng hi-tech computers ng NBI

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAGBIGAY ng tulong ang US government sa Bureau of Immigration sa NAIA dahil ikinabit na nila ang mga hi-tech computers para pag-ibayuhin at tulungan ang kampanya ng Pinas laban sa terorismo at iba pang criminal elements.

May 88 units ng Dell computers ang ikinabit ng mga Amerikano sa Immigration counters sa departure at arrival area.

Kasama sa mga ibinigay ng Kano ang hi-tech passport reading machines.

Dalawang unit ng computers at passport reading machines ang nakakabit sa bawat counter ng Immigration sa airport.

May kapabilidad ang passport reading machine na makuha ang lahat ng detalye ng isang pasaherong dadaan sa Immigration counter kapag na-swipe ito sa nabanggit na makina.

Pati retrato sa passport ay naka-save na rin.

Ika nga, recorded ang lahat ng detalye sa passport ng isang pasahero kapag ipinasok ito sa hi-tech machine.

Ang mga pasaherong darating at aalis ng airport ay buko oras na may bad records sila sa Immigration tulad ng blacklisted, watchlist, hold order, etcetera.

Ika nga, wala nang lusot!

Si BI Commissioner Andrea Domingo ang panauhing pandangal sa simpleng seremonyang gagawin para pasinayaan ang nasabing hi-tech machines.

"Ano na ngayon ang trabaho ng mga Immigration officers sa airport?" tanong ng kuwagong hitad.

"Bukod sa IO, encoder sila," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Talaga palang hi-tech ang makinang iyan kapag na-swipe ang pangalan ng isang pasaherong may record sa BI ay biglang magla-lock ang computer."

"Tumpak ka diyan."

"Ang duty supervisor lamang ng mga oras na iyon ang maaaring magbukas ulit ng pagkaka-lock ng computer at hindi Immigration officer."

"Talagang hi-tech, ha!" sabi ng kuwagong haliparot sa kabaret.

"Sa tindi niyan tiyak na ba tayong wala nang makalulusot palabas o papasok na pasaherong may kaduda-dudang dalang dokumento?"

"Bukayo ang may dalang fake passport, bukayo ang blacklisted, bukayo ang may hold orders, bukayo ang nasa watchlist."

"Ok pala," sabi ng kuwagong Kotong cop.

"May isa lang problema."

"Ano?"

"Siyempre tao rin ang operator nito."

"Iyon lang!"

AMERIKANO

ANO

BUKAYO

BUKOD

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

CRAME

IKA

IMMIGRATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with