Habang tumatagal ay lalong dumarami ang mga sumusubaybay sa pag-iibigan nina Shan Cai at Dao Ming Si at ang iba pang mga istorya na nakapaligid kina Xi Men, Mei Zuo at Hua Zhe Lei. Kung hindi nga lamang mga sikat na miyembro ng F4 ang mga pangunahing cast ng Meteor Garden, aakalain mong pinabili lamang sila ng suka ng kanilang mga magulang. Ang takot ko lamang ay baka katulad ang mga ito ng bulalakaw na bigla ring mawawala.
Dahil sa pagsikat ng Meteor Garden, may nakapag-isip na dalhin ang F4 sa Pilipinas upang mag-concert subalit si (Barbie Xu ang pangalan) lamang at dalawang miyembro ng F4 ang nakarating, sina Ken Zhu at Vaness Wu.
Ang tiket ay nagkakahalaga ng P5,000 at P10,000. Hindi ito sa Manila Hotel na may kasamang first class dinner na may kuntodong expensive wine. Ginawa ang concert sa open field ng Ultra upang makatanggap ng 40,000 taong manonood. Ang nakapagtataka, ubos ang mga tiket at ang mga naunang naubos ay ang mga mamahaling tiket. Ang malas nga lamang ay may naganap na kaguluhan dahil sa hindi maayos na sistema sa pagpapapasok ng mga tao. Lalong gumulo nang umulan.
Ano ang dapat kalokohan sa F4 samantalang hindi naman mga pambihirang Hollywood celebrities ang mga ito? Ang tanong makapagbabayad ba kaya ng P5,000 at P10,000 para mapanood ang mas magagaling nating mga entertainers na tulad nina Martin Nievera, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Lani Misalucha at Lea Salonga?