Pambabae ni mister
September 13, 2003 | 12:00am
Matapos ang 24 na taong pagsasama at pagkakaroon ng apat na anak, natuklasan ni Eddie na psychologically incapacitated si Mayette dahil hindi nito nagagampanan ang obligasyon bilang asawa. Nagsampa si Eddie ng petisyon para maideklarang walang bisa ang kanilang kasal. Subalit sinabi ni Mayette, paraan lamang ito ni Eddie upang maipagpatuloy ang pakikisama kay Sally. Ang babaing ito raw ang naging dahilan upang abandonahin silang mag-iina. Sa halip na salungatin ang petisyon ni Eddie, sinampahan niya ng kasong concubinage sina Eddie at Sally. Nagsumite ng mosyon si Eddie para maantala ang pagdinig sa kasong concubinage. Iginiit niyang dapat munang mapagpasyahan ang kanyang petisyon dahil kapag naideklarang wala talagang bisa ang kanilang kasal ni Mayette, hindi siya maaaring mahatulan ng concubinage. Tama ba si Eddie?
MALI. Ipagpalagay man na walang bisa ang kanilang kasal ni Mayette sanhi ng psychological incapacity nito, hindi ito magiging materyal sa magiging resulta ng kasong concubinage. Tanging Korte lamang ang magpapasya ng kawalan ng bisa ng isang kasal at hindi ang mga partido. Kaya, ipinapalagay na nananatiling kasal sina Eddie at Mayette. Hind ito depensa upang maipagpatuloy ni Eddie ang kanyang pambababae. Bukod pa rito, ang pinal na desisyon sa petisyon ni Eddie ay para lamang sa layunin ng muling pagpapakasal (Beltran vs. People of the Philippines , G.R. 137567, June 20, 2000).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended