^

PSN Opinyon

"Ang di natigil-tigil na banta ng kudeta"

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
Pabagsak na ang ekonomiya ng bayan. Walang tigil ang taas ng presyo ng langis. Ang meralco hindi rin pahuhuli sa presyo ng kuryente. Tigilan na natin ito. Aba, mga foreign investors linalayuan tayo parang may aids o sars ang ating bayan.

Matunog at nakakabinging mga bulung-bulungan, may panibagong banta ng kudeta na naman daw! Bakit? Ayon nga kay retired general abenina sa isang radio interview noong makalawa lamang, inamin n’ya na kung sa luto daw ay kumpleto na ang mga rekado o sangkap, ito’y mga disgruntled afp at pnp personnel, pati na ang taong-bayan na apektado na nang kahirapan dala ng economic crises. Ang kulang na lang daw ay ang sili na magpapa-anghang. Nagpahiwatig pa siya na ang mga taong nagpapalutang ng usaping kudeta at masyadong tinatakot ang administrasyon pgma at ang bayan ay hindi malayo sa administrasyon. Tahasan din n’yang sinabi na hindi s’ya sangkot dito kaya lang pilit siyang sinasangkot. Si general abenina pala ay kasalukuyang under-secretary ng dilg at dating hepe ng lto, siya ay isa sa mga pinagsususpetsahang coup plotter daw.


Ang nangyayari ngayon ay bangayan nang bangayan, EXPOSE’ ni Senator Lacson laban kay FG Mike Arroyo. Ang mga PGMA sympathizers naman ay pilit na sinisira ang credibility ni Lacson. Masyado nang personalan ang mga issue, pati yung mga walang pakialam na mga Politiko ay sumasali na rin, lalo tuloy nagmumukhang moro-moro at nagpapalakas ng PUBLIC PERCEPTION na talagang may ginagawang pagtatakip. Ang hindi nila pinapansin at binibigyan ng lunas ay ang PAGBAGSAK NG ATING EKONOMIYA. Kahit anong takip, hindi maipag-kaila na ang exchange rate ng PESO against the US Dollar ay all-time LOW, ang mga presyo ng bilihin at produktong petrolyo ay lalong tumaas. Kaawa-awang Juan Dela Cruz, nawawala na ang pansin sa kanyang dinadanas na kahirapan.

Ang palagiang excuse o alibi ng ating pamahalaan sa dinadanas nating economic crises ay ang nangyaring attempted o frustrated Coup d’etat (whichever). Pero tapos na yung sinasabing KUDETA, di ba? Matagal na ngang inalis ni PGMA ang kanyang Declaration of the State of Rebellion. Ang tanong ngayon, BAKA HINDI LANG KAYANG LUNASAN ANG ATING NARARANASANG KAHIRAPAN KAYA IPINAGPAPATULOY PA ANG ISYUNG KUDETA! Siyempre, para siguro ma-divert ang atensiyon ng ating mamamayan at ang sisihin ay kung kahit sinong "Tarpolano" na gustong pangalanang bilang Coup Plotters ng ating Pamahalaan. Bulaga! Isang matagumpay na pag-IWAS sa sisi o pag-TAKIP sa mga kapalpakan upang ma-address ang umiral na economic crises ng mga tinaguriang ECONOMIC WIZARDS kuno ng pamahalaan.

Sinong magaling at successful businessman o business enterprise, lokal man o dayuhan ang gustong mag-iinvest sa isang bansa? Ano ba ang itsura ng ating bayan? Ang perception ay unstable ang gobyerno dahil may rebelyong nagaganap (Coup d’etat), rampant ang corruption, laganap ang kriminalidad, lalo na ang kidnapping at bank-robberies, mayroon Muslim separatist movement, at Communist insurgency, atbp? Siyempre, matatakot sila, kaya lang, lahat ng ito ay common knowledge na at naghihintay na lang ng solusyon. Eh, hindi nga ito maaring maresolba, kung ang solusyong ibinibigay ay kuwento o salita lamang at hindi sa gawa. Bakit ko nasabi ito? Walang bukang bibig ang mga Government Officials natin kundi’y KUDETA at higit pa ang konsentrasyon ng ating pamahalaan kung paano maapula ang Expose’ ni Lacson keysa mga problemang nabanggit. Di ba, parang lokohan?

Ang palaging sinasabing solusyon sa economic crises ng ating Pamahalaan ay ang pagpasok ng FOREIGN INVESTMENTS at INVESTORS, para bang sinasabi na mamamatay na tayong lahat pag wala ito. Nawawala na sa eksena ang mga Local Investors, bakit ganoon? Hindi tuloy nakapagtataka na karamihan sa Pinoy na may kaya o may puhunan ay nag-iinvest sa ibang Bansa. Di ba nakakahiya? Dahil kabaliktaran ang nangyayari, naghihikayat tayo ng Dayuhan para pumasok dito sa atin, eh yun namang atin ay umaalis. Kaya kung analisahin mo ang mga pangyayari ay masasabi mong "THE PHILIPPINES IS FOR SALE TO FOREIGNERS ONLY". Ano ba talaga ang ating economic program? Kung meron man. Sino ba talaga ang ating pinoproteksiyonan? Ang mga DAYUHAN ba o ang ating mamamayan? Ano ba tayo, SOVEREIGN STATE BA O COLONY PA RIN? BAKIT HINDI NATIN I-PROMOTE ANG SELF-RELIANCE lalo na sa ating industrial and agricultural needs. Magpakatotoo naman tayo at ipagtanggol naman natin ang ating pagiging isang Independent Nation, huwag yong personal interest na lang kaya nag-papaalipin tayo sa dayuhan.

Isa sa mga hinangaan kong ginawa ni PGMA ay ang pag-accept ng resignations nina Gen. Corpus as ISAFP Chief and lately that of Secretary Angelo Reyes as the Secretary of National Defense. The President has shown her resolve and decisiveness in the eyes of the perceived weakness and the total dependency for the survival of her administration to the group of Reyes. Kaya lang, dapat ay mayroon siyang ihahalili na kilala, nirerespeto at higit na matibay keysa kay Angelo Reyes. I can still recall the time of President Cory Aquino’s encumbency where several unsuccessful Coup attempts were made. Si Cory noon ay parang hostage ng mga grupong nag-KUDETA laban kay President Marcos, as if she’s hesitant to displease these people because they were perceived to be the power behind. At kung sila’y bibitaw ay babagsak ang Cory Government. Cory was very fortunate that time because there was General Fidel V. Ramos to take over when she sacked Juan Ponce Enrile who was then the Secretary of National Defense, the rest is history. Dapat sinama na rin ni PGMA na alisin si Secretary Roilo Golez na wala pa ring tigil sa paggaya ng style nina Gen. Corpus at Secretary Reyes.

I am an OPTIMIST, I personally believe that PGMA will survive her term for a very simple reason that the majority of the the Filipino people, regardless whether they are pro-PGMA o anti-PGMA are against Coup d’etat, especially the Military Rule. Malapit na ang election, buwan na lang ang binibilang, doon na lang paglabanan kung sino ang dapat mamuno sa ating bansa at harinawa maresolba ang problema ng bayan.

Please lang, HUWAG NANG MASYADONG TAKUTIN ANG BAYAN! kawawa naman. Kung may alam kayo, gumawa na lang kayo ng counter-measures within the frameworks of our democratic system. Huwag yung according to our INTELLIGENCE REPORT, tinatanga naman masyado ang Pinoy. Alam naman natin na ang Intelligence Report ay mga impormasyon na kinakalap lamang ng inyong mga ahente at nangangailangan pa nang kaukulang verifications and confirmations, sa madaling salita, isang HEARSAY. Ang pinagtataka ko ay ang talamak na paggamit ng word na Intelligence Report in public dahil ito ay considered as CLASSIFIED DOCUMENTS (Confidential, Secret or Top Secret) inilalabas lang ang mga impormasyon sa publiko pag talagang kailangan at kung gagamitin naman sa korte ay dapat kompleto sa ebidensiya. Isang napakagandang halimbawa ay yung ginawang pag-sita ni Senate President Franklin Drilon kay Secretary Golez, tungkol sa mga inilalabas na mga Intelligence Reports daw, sayang Annapolis Graduate pa naman.

Ano ang mga nasa isip n’yo mga giliw kong tagasubaybay ng calvento files? Ibigay ninyo ang inyong mga opinyon. Ano ba ang dapat nating gawin bilang mga mamamayan upang makatulong sa pag-resolba ng hinaharap nating problemang pang-ekonomiya?


SA PUNTONG ITO, nais ko lamang sabihin na sa gitna ng malawak ng courruption sa Land Transportation Office, meron isang tumatayong bukod tangi and dedication sa public service. Siya si G. Joselito "Bogs" Luarca. Chief ng LTO sa Las Piñas. Si Bogs ay dating Deputy ng LTO Muntinlupa. Kung hindi pa nabunyag ang mga kabulastugan ni LTO Chief Roberto Lastimoso, hindi pa magkakaroon ng reshuffle at hindi mabibigyan ng pwesto itong si G. Luarca. Dun sa mga tumatangkilik sa Toyota Alabang, kung saan mababasa mong nakapaskel sa kanilang "show room" na ang plaka raw na galing sa LTO ay kailangang mag-antay ng 60 days, katarantaduhan po yan. Si G. Luarca ang magsasabi sa inyo kung bakit naantala ang plaka at rehistro dahil sa liaison officer ng Toyota Alabang. Kay G. LuarcA, swerte ang las piñas at kayo ang nakapwesto d’yan.

Para sa inyong mga reactions o comments, maaari kayong tumawag sa telephone no. 7788442, maaari rin kayong mag-text sa 0917-9904918.

ANO

ATING

INTELLIGENCE REPORT

KUNG

LANG

LUARCA

NAMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with