"Bato-bato sa langit ang tatamaan ay dapat na mapuruhan"
September 1, 2003 | 12:00am
SA panahon ngayon mahirap malaman kung sino ang nagsasabi ng katotohanan. Hindi natin puwedeng gawing basehan ang mga balitang naglalabasan sa media.
Praktikal ang maging paladuda sa lahat ng bagay partikular kapag itoy bangayan sa pagitan ng mga pulitiko.Tutumbukin ko na, tulad nitong isyung Jose Pidal.
Mahusay ang estilo ng kanilang mga maniobra. Ang magkabilang kampo, kay Senator Lacson man o kay First Gentleman Mike Arroyo, parehong pinagsisikapang mapaniwala ang taumbayan.
Nag-umpisa ang circus nang bumaliktad itong star witness kuno ni Lacson na si Udong Mahusay. Nagpa-rescue at bumalik (bumalimbing?) sa nilayasan niyang amo na si Atty. Mike Arroyo.
Kasalukuyan, pinaghahandaan ng maigi ng mga handlers nitong si Udong, kung papano bawiin ang kanyang mga pinagsasabi sa kampo ni Lacson.
Sa labanang ito, mahalagang pinag-iisipan muna ang bawat salitang lumalabas sa mga bibig ng magkabilang kampo. Labanan ito ngayon ng mga spin doctors (mga nagpapaikot).
Huwag na huwag agad magpapaniwala sa mga pinagsasabi ng mga ito lalo na kapag nakaharap na sila sa media.
Siguraduhin nating hindi tayo napapaikot ng mga spin doctors. Sila yung mga nag-mamaniobra ng ating isipan, katotohanan man o kasinungalingan.
Lamang ang taumbayan sa pagiging paladuda, kahit na gamitin na natin ang salitang praning. Sino ba naman ang hindi mapapraning sa mga taong nagmamaniobra ng ating isipan?
Sa ganitong paraan lamang maipapamukha natin sa mga kanila na hindi nila kayang paglaruan ang ating mga isipan.
Sa larong ito, dapat makalkal ni Juan Dela Cruz ang mga itinatagong baho ng magkabilang panig. Kabilang na ang mga kasinungalingan na pilit pinagtatakpan.
Sa mga nagpapagamit at nanggagamit sa isyung ito pare-pareho kayong dapat ipako sa krus! Bato-bato sa langit ang tatamaan ay dapat mapuruhan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended