Masahol pa sa berdugo
September 1, 2003 | 12:00am
MARAMI ang shocked sa programang Isumbong mo kay Tulfo sa Channel 9 dahil sa isang exclusive interview kay Kit Mateo, di diumanoy hitman ni Sen. Panfilo Lacson nang itoy nasa Philippine National Police pa. Ang panayam ay isinagawa ng reporter na si Ana Marie Fuderanan ng ABS-CBN nang si Mateo ay sisinghap-singhap at malapit nang mamatay sa sakit na cancer. Yumao si Mateo noong Abril 2001 ngunit well documented ang panayam. Hindi ipinalabas ng ABS-CBN. Isinasaad sa panayam ang mga taong brutal na ipinapatay diumano ni Lacson, pati na ang isang walong taong gulang na batang babae at tiyahin nito na ipinahulog sa isang lumilipad na helicopter. Isang kapitbahay ko ang kumbinsido sa pagbubunyag ni Mateo. Aniyay masahol pa si Lacson sa isang "berdugo ng diablo".
May kasabihan na ang isang taong nasa bingit ng kamatayan ay hindi nagsisinungaling. Tapalan man ng bilyong piso ang isang naghihingalo para siraan ang isang taoy hindi magagawa. Alam niyang itoy magiging pases niya sa impiyerno. Ang tanging gusto ng isang malapit nang mamatay ay mahugasan ang kanyang kasalanan bago ang kanyang pagharap sa Diyos. Ayon kay Mateo, labis siyang nagsisisi sa kanyang mga nagawa at bago man lang siya malagutan ay maibunyag niya sa bayan ang lahat ng mga kasalanang diumanoy ipinagawa sa kanya ni Lacson. Ipinapatay din daw ni Lacson ang isang Luisito Villacorta na siyota ng isang magandang modelong natipuhan niya nang mapanood sa isang fashion show sa Hyatt Hotel.
Nang isulat ng kolumnistang si Mon Tulfo na ang asawa ni Lacson na si Alice ay inagaw lang niya sa iba, akala koy bunga lang ito ng personal na galit sa kaibigang nakatampuhan. Ngunit itoy kinumpirma ng naghihingalong si Mateo. Aniya, nakilala ni Lacson ang misis nang dumalaw ito sa dating asawa ni Alice na si Reginald na nakapiit sa New Bilibid Prisons. Nang makalaya ang bilanggo, pinasagasaan diumano ng 10-wheeler truck ni Lacson upang maangkin si Alice. Ang mga pagbubunyag na itoy napakalaking dagok sa ambisyon ni Lacson na maging Pangulo ng bansa hanggat marami ang kumbinsido na siyay isang "berdugo" gaya nang inihayag ni Mateo. Puwede bang magsinungaling ang isang taong mamamatay na?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended