^

PSN Opinyon

Angie Reyes sa DPWH

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
MAY parang utot mabantot ang umalingasaw na naamoy ang mga kuwago ng ORA MISMO, na niluluto sa kaharian ni Prez Gloria.

Pero ang mabahong utot este mali tsismis pala ay mabilis na nakarating sa mga kuwago ng ORA MISMO, tungkol daw ito sa paglipat ni Secretary of National Defense Angie Reyes sa Department of Public Works and Highways.

Kawawa naman si DPWH Secretary Soriquez, mukhang mawawalan ng papel?

Iyan ang masaklap kapag nagkatotoo.

Marami kasi ang gustong mapalitan si Reyes bilang SND halos sa mga suluk-sulok ng barberya ito ang pinag-uusapan.

Siyempre puwera pa rito ang sigaw ni Andres Bonifacio este mali ang mga nag-rebeldeng young officers pala na nag-kudeta sa Makati City.

Parang magkakatotoo ang hula ni Madam Buruka, he-he-he!

Si Sec. Soriquez ang sinasabing malalaglag sa haluan ng madyong este mali balasahan kung magkakatotoo ang bulong sa mga kuwago ng ORA MISMO?

Ang bulungan sa Balintawak si Prez Gloria lang daw ang nakakaalam ng lahat ng secret na maaring mangyari sa kanyang Cabinet members.

Siyempre siya ang ina ng Pinas!

Takbo Prez Gloria kailangan ka ng Bayan sa 2004!

Sipsipan kasi ang uso ngayon masyado kasi ang pulitika kaya banggaang umaatikabo ang nangyayari sa bawat minutong magkamot ka ng yagba.

Walang sinisino, walang sinasanto, pangit o guwapo, tomboy o bakla, buntis o nakunan, mayaman o mahirap, pipi, bingi o bulag iba ang usapan pulitika.

‘‘Kung magkakatotoo ang hula ni Madame buruka sa tsismis na nasagap ng mga kuwago ng ORA MISMO, sino ang papalit kay Angie sa kanyang iiwanan lugar?’’ tanong ng kuwagong urot na matindi ang kulugo sa puwit.

‘‘Sa palagay ko ang nararapat diyan at ang gusto ng ilan ay civilian ang dapat umupo sa tronong iiwanan ni Angie?’’

‘‘Psst! Huwag kang maiingay secret ito ang papalit kay Angie kung magiging totoo ang tsismis ay may initial na GMA.’’

‘‘Concurrent capacity.’’

‘‘Ganoon ba, kamote.’’

vuukle comment

ANDRES BONIFACIO

ANGIE

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

MADAM BURUKA

MAKATI CITY

PREZ GLORIA

SECRETARY OF NATIONAL DEFENSE ANGIE REYES

SECRETARY SORIQUEZ

SI SEC

SIYEMPRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with