Nung PNP chief pa siya nung 2000, hindi binayaran ni Lacson si Pelaez ng $31,262 sa biniling Smith & Wesson handcuffs. Tig-$1 milyon ang parusa sa tatlo pang salang naganap sa California. Ang lusot lang ni Lacson, baka babaan ang multa sa pananakit-damdamin.
Ganunpaman, uutusan na ng Korte ang US banks, na ibunyag ang dollar accounts at iba pang ari-arian ni Lacson.
Sabi ni Lacson nung kainitan ng imbestigasyon sa tagong yaman niya, "Kung may makita kayong dollars ko doon, sa inyo na." E meron ngang natagpuang bank transactions ng asawa niyang Alice Deperio sa California. Ayon kay Rodel Rodis, abogado ni Pelaez, may community property law sa state na yon. Parang conjugal property sa Pilipinas, ang pag-aari ng mister o misis ay pag-aari na rin ng asawa.
Dati nang prinesenta ni Rodis ang ilang ebidensiya ng kakayahan ni Lacson na magbayad ng million-dollar damages. Kasama roon ang limang remittances ni Lacson mula Nov. 13-Dec. 26, 2000 kainitan ng impeachment ni Erap sa US bank ni Alice ng $444,299 (P24,436,445 nung panahong yon sa palitang P55:$1). Pinakita rin ni Rodis na may $456,000 (P25,080,000) sa account ni Alice na pinambili ng dalawang Toyota Sequoia SUVs. tig-$50,000 (P2,750,000), nung Dec. 26, 2000.
Meron ding sariling dollar accounts si Lacson sa ibat ibang banko nung Oct. 1996, kabuuang $285,133 (P7,556,024 sa palitang P26.50:$1). At meron ding Orient Light Freight International Inc. si Alice na may $200,000 (P10 milyon sa palitang P50:$1) nung Apr. 2001.
Teka, bat ang dami niyang pera nung pulis pa siya?