Nung araw, ang salapi ay may katumbas na gold bullion. Kung may sampung piso ka, may katumbas itong ginto na nakalagak sa banko sentral.
Ngayon, ang halaga ng ating pera ay wala nang katumbas na ginto. Ang lakas ng salapiy nakasandal sa masiglang kalakalan at produksyon sa bansa. Nakasalalay din ito sa pumapasok na dollar remittances ng mga manggagawa sa ibang bansa gayundin ng mga exporters na ang kinikita mula sa iniluluwas na kalakal ay dolyares. Habang maraming reserbang dolyar, tumataas ang halaga ng piso. Masakit mang isipin, iyan ang totoo. Masyadong dependent ang ating salapi sa pera ng Amerikano.
Kaya dahil sa mga gulong nangyayari sa gobyerno, natatakot na ang mga mangangalakal na mamuhunan. Yung iba ay nangingibang bansa tangay-tangay ang kanilang mga dolyares na investment. Capital flight ang tawag diyan. Humihina ang produksyon na siyang nagpapabagsak sa halaga ng piso. Karamihan naman sa mga gulo sa pamahalaan ay political in nature tulad ng kudeta, pagsasambulat ng mga kabulukan ng mga opisyal ng gobyerno at marami pang iba na nagpapahina sa pagrenda ng administrasyon.
Kung ang mga politikong nakapuwesto sa ating gobyerno ay isasaisantabi muna ang makasariling interes, maiiwasan ang ganitong mga krisis na ang unang nasasagasaan ay ang maliliit na mamamayan.
Pagbagsak ng piso, apektado ang presyo ng petrolyo. Pagtaas ng presyo ng petrolyo, susunod na tataas ang halaga ng mga pangunahing bilihin at serbisyo. Sa mga mayayaman, ok lang. Kahit umabot pa ng sanlibong piso ang halaga ng dolyar, kaya nilang indahin dahil silay mga multi-bilyonaryo. Ironically, ang karamihan sa mga nagpapasimuno ng ganitong mga sigalot sa gobyerno ay ang mga filthy rich politicians na ito.