^

PSN Opinyon

Mike A., Lacson i-lifestyle check

- Al G. Pedroche -
DAPAT sabay magpa-lifestyle check sina First Gent (FG) Mike Arroyo at Sen. Ping Lacson para malaman kung sino ang malinis at kung sino ang marungis.

Matapos akusahan ni Lacson si FG ng money laundering at pagtatago ng secret account na nakapangalan sa isang "Jose Pidal" lumabas naman ang kumpirmasyon ng US court hinggil sa secret dollar deposit ng Senador sa Amerika. Walang masama sa lifestyle check maliban na lang kung may itinatago kang ilegal. Hindi puwedeng puro bokadura ang depensa because people might just take your words with a grain of salt. Kasi, natural lang na pabulaanan ang lahat ng masamang akusasyon laban sa iyo.

Patunayan mong malinis ka sa pamamagitan ng lifestyle check.

Sa kaso ni FG, ayaw siyang siyasatin ng transparency group. Mga taong gobyerno lang daw ang sakop ng kanilang mandate. Mali. Ang siyasat kay FG ay siyasat kay Presidente Arroyo na asawa niya. Remember, ang pag-aari ni FG ay pag-aari ni GMA. Conjugal property.

Siguro’y nangingimi lang ang mga tagapagsiyasat dahil involved ang Presidente ng bansa.Truly, the aura of any President is somewhat intimidating. Halimbawa, nang di pa Pangulo si Fidel Ramos, kabiruan ko siya. Nang Presidente na siya, naninimbang na ako sa mga salitang gagamitin ko pag kausap siya. Ayokong lumabas na nanlalait ng leader. Pero sinabi na ni Presidente na payag siyang maisama sa lifestyle check.

To lay the issue to rest once and for all,
dapat magkaroon ng no-nonsense probe sa mga ari-arian di lamang ng pamilya ni Presidente Arroyo kundi maging kay Sen. Lacson. Ang Pangulo na ang dapat magkaroon ng inisyatibo para silang mag-asawa’y sumailalim sa lifestyle check.

Hindi puwedeng maghugas-kamay ang Pangulo sa mga ipinaparatang sa kanyang asawa. Hindi niya puwedeng sabihing bahala ang kanyang asawa na ipagtanggol ang sarili dahil hindi niya pinakikialaman ang ano mang negosyo o transaksyon ni FG. Ang ano mang katiwaliang inaakusa kay FG ay repleksyon din sa integridad ng Pangulo.

ANG PANGULO

FIDEL RAMOS

FIRST GENT

JOSE PIDAL

LACSON

MIKE ARROYO

NANG PRESIDENTE

PANGULO

PING LACSON

PRESIDENTE ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with