Hiniling ni Lacson na imbestigahan ng Senate blue-ribbon committee at Senate committee on constitutional amendments, revision of laws and codes at finance at ways and means committee ang ginawang pagbubunyag.
Sa pamamagitan ng spokesperson na si Atty. Patricia Bunye, hinamon ng First Gentleman na mas magaling kung ididemanda siya ng senador sa anumang Korte at handa siyang harapin ang mga paratang nito sa likod ng immunity. Idinugtong pa ni Bunye na ginawa ni Lacson ang pagbubunyag bilang taktika nito upang hindi mailabas at matalakay sa Senado ang mga committee reports laban sa senador hinggil sa drug-trafficking, money laundering at iba pang kinasasangkutan nito.
Narito na ang aking kinatatakutan. Hindi dapat pulitika at paghihidwaan ang atupagin natin. Kailangan natin ng pagkakaisa at pagkakaunawaan upang harapin ang napakaraming problema ng bayan. Ang mabuti yata ay magalit na tayong mga mamamayan sa mga pulitikong ito na binabale-wala ang kapakanan natin at pinananaig ay ang kanilang personal na interes. Sa mapayapang paraan, magkaisa tayong kastiguhin ang mga ito sa tulong ng media.