Nabasa ko sa iyong column ang tungkol sa Pag-IBIG Overseas Program at sa tingin ko magkakaroon ng katuparan ang aking pangarap.
Maari ba akong humiling ng karagdagang impormasyon tungkol dito at sa iba pang impormasyon para sa mga katulad kong OFWs?
GEORGE MARIANO
Ang Pag-IBIG Overseas Program (POP) ay isang programa para sa OFWs upang makapag-ipon at makapag-avail ng housing loan. Ang sinumang Pilipino na nagtatrabaho bilang contract worker, o bilang immigrant o permanent resident sa ibang bansa, ay maaaring maging miyembro ng POP. Kapag ang isang POP member ay nakapaghulog ng 12 buwanang kontribusyon, puwedeng iseguro at hindi hihigit ng 65 taong gulang kapag nag-mature ang loan, may legal na kapasidad na bumili at magkaroon ng real property, walang ibang housing loan sa Pag-IBIG o hindi co-borrower at walang multi-purpose loan sa pag-apply ng housing loan.
Ang buwanang kontribusyon ay mula sa US$20.00, 40.00 hanggang 50.00. Ang halaga ng mauutang ay maaring hanggang P2.0 M. Kapag malaki ang kontribusyon ay mas malaki ang maaaring makapag-housing loan. Ang halaga rin ng mauutang ay depende rin sa suweldo at kakayahang magbayad.
Habang ikaw ay nakabakasyon, iminumungkahi ko na ikaw ay magtungo sa tanggapan ng Pag-IBIG Overseas Program sa Rm 608, 6/F Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City upang ikaw ay makapag-fill-up ng membership form. Maaari ka ring tumawag sa telepono bilang 811-4031 o 811-4272 para sa karagdagang impormasyon o pagpapaliwanag. SEC. MIKE DEFENSOR