^

PSN Opinyon

Hindi tulad ng iba,hindi kami namimili ng mga biktimang lumalapit sa amin

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
SA kauna-unahang pagkakataon sa larangan ng telebisyon, eksklusibo sa BITAG, mapapanood ngayong Sabado, aktuwal na pangyayaring "kidnap for ransom" (KFR).

Mabilis nakipag-ugnayan ang aming grupo sa National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) kasama ang anak ng biktimang humingi ng saklolo sa amin.

Mula sa hinihinging P3 milyong ransom ng mga kidnappers ibinaba ito sa P1 milyon. Pagkatapos ay bumaba pa hanggang P300,000?

Desperado na ang sumunod na tawag ng mga kidnappers. Kahit na lang daw magkano ay puwede na? Dito nagkaroon ng duda ang aming TV investigative team, ang BITAG maging ang mga operatiba ng NBI.

Naging maingat ang hakbang ng mga ahente ng NBI-NCR. Kumplikado at sensitibo ang kasong ito. Ang mahalaga ay mabawi ng buhay ang biktima.

Naibigay na ng pamilya ng biktima ang napagkasunduang halaga na idineposito sa bankong hiniling ng mga kidnappers. Napag-alaman na winidraw ang pera sa Cotabato City nung araw ding iyon.

Naganap yung aktuwal na pangyayari nung Hunyo 23, nung araw din na kung saan agad inilapit sa amin ng anak ng biktima. Naibigay na ang rasom money kapalit ng paglaya ng biktima.

Panoorin ngayong Sabado sa BITAG alas-5:00-5:30 ng hapon sa ABC-5 ang kinahinatnan ng kasong ito.
* * *
Surveillance, undercover at entrapment, ito ang espesyalidad ng BITAG sa pakikipagtulungan ng ating mga alagad ng batas.

Mag-iisang taon na sa susunod na buwan ang BITAG. Di tulad ng iba, hindi kami namimimili ng mga biktimang lumalapit sa amin at humihingi ng saklolo.

Ang pagkakaiba ng BITAG sa ibang investigative TV, RESULTA!

Sa panahon ngayon madaling makita ang katotohanan. Hindi namin estilo ang magsadula (re-enact/dramatization). Reality TV ang trabaho ng aming grupo.

Nirerespeto namin ang tunay na buhay ng mga tunay na taong lumalapit sa amin. Hangad nila, mabigyan ng tunay na tulong at tunay na lunas sa kanilang problema.

Alam nila kung sino ang tunay na sumbungan at tunay na malalapitan!
* * *
Para sa mga TIPS, COMPLAINTS, FEEDBACK, I-text at i-send sa Globe/Touch Mobile sa 2333 or 334 sa Smart/Talkntext subscribers.

Para sa TIPS type BITAG<space>TIPS<space>(message)

COMPLAINTS type BITAG<space> COMPLAINTS <space>(message)

FEEDBACK type BITAG<space>FB <space>(message)

O tumawag sa telepono 932-5310/932-8919.

ALAM

BITAG

COTABATO CITY

DITO

NAIBIGAY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION-NATIONAL CAPITAL REGION

SABADO

TOUCH MOBILE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with