^

PSN Opinyon

Reklamo sa door to door services

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SI Ferdie ay exporter ng cookies na broas. Hiniling niya sa FOM, isang shipping brokerage and agency ang presyo at gastos para sa door to door ng broas sa Amerika. Pinadalhan agad si Ferdie ng price quotation ng FOM subalit isang taon pa ang lumipas bago niya muling kinontak ang FOM.

Sa ikalawang sulat ng FOM, nakasaad dito ang mga kundisyon at kasunduann sa pagdadala ng broas ni Ferdie sa Amerika. Tinanggap ito ni Ferdie.

Dalawang magkasunod na bagahe ng broas ang kinuha ng FOM sa opisina ni Ferdie may isang linggo ang pagitan. Nagbigay si Ferdie ng P4,400 para sa unang bayad niya sa serbisyo ng FOM. Nang maayos na ang mga export documents, dinala naman ng FOM ang mga karton ng broas sa Island Freight Services, Inc. (Island). Nag-isyu ang Island ng dalawang bill of lading kay Ferdie sa ilalim ng freight collect port to door arrangement.

Samantala, ang mga bagahe ay hindi nakarating sa Amerika kahit na nangako ang FOM na i-follow-up ito. Kaya, nagsampa ng reklamo si Ferdie laban sa FOM sa hindi nito pagtupad sa kasunduan kasama ang bayad-pinsala. Itinanggi ng FOM na partido sila sa kontratang door to door delivery sa Amerika dahil sila lamang daw ay partido sa brokerage at forwarding services. Sila raw ay ahente lamang ni Ferdie sa transaksyon nito sa Island, kaya ang kontratang door to door ng mga broas ay sa pagitan lamang nina Ferdie at ng Island. Tama ba ang FOM?

MALI.
Dalawang sulat ang magpapatunay ng kontrata sa pagitan nina Ferdie at ng FOM, kung saan tinanggap ni Ferdie ang mga kundisyon ng FOM sa pagdadala ng kanyang mga broas sa Amerika.

Ang kontrata ng door to door ay sa pagitan nina Ferdie at FOM. Tanging ang FOM ang nakipagkasundo sa Island at hindi si Ferdie. Nalaman na lamang ni Ferdie ang naging transaksyon ng FOM sa Island nang matanggap na niya ang dalawang bill of lading na inisyu nito. Samantala nang ipaalam kay Ferdie na hindi nakarating ang kanyang mga bagahe sa Amerika, ang FOM ang nangako sa kanya ng follow-up nito sa Island. Lahat ng ito ay magsasabing nang kinuha ng FOM ang serbisyo ng Island taliwas sa kaalaman ni Ferdie, nananatiling ang kontrata sa door to door sa kaalaman ni Ferdie ay sa pagitan lamang nila ng FOM (MOF Co. , Inc. vs. Enriquez etc. G.R. 149280, May 9, 2002).

vuukle comment

AMERIKA

BROAS

DALAWANG

DOOR

FERDIE

FOM

ISLAND

ISLAND FREIGHT SERVICES

SAMANTALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with