^

PSN Opinyon

Inutil na nga,nasasangkot pa sa katarantaduhan ang Task Force JERICHO

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
NAPABALITA kamakailan ang pag-aalboroto ng ilan sa mga mambabatas dahil naiipit daw ang kanilang congressional allocation (pork barrel) sa Department of Budget and Management (DBM).

May mga ‘‘loose talks’’ (tsismis) na naglabasan na nagbabalak na mag-coup d’etat ang ilan sa mga kongresista laban kay De Venecia sa paniniwalang hindi nito nilalakad ang pagre-release ng kanilang pork barrel.

Ayon na rin kay DBM Secretary Emilia Boncodin sa aking panayam sa programang Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO sa DZME, marami na ang mga nainip na mambabatas sa pag-aakalang pinabayaan na sila ng DBM.

Dagdag pa ni Boncodin, ‘‘Ang pagre-release ng pondo ng DBM ay ayon sa programa at cash efficient ng national treasury.’’ Kinatwiran ni Boncodin, ‘‘Ayaw namin manghiram ng manghiram.’’

Yun daw mga dating maluluhong government corporations ay nag-slow down na rin. Sinadyang naghigpit ng sinturon ang DBM nang sa gayon ay magkaroon ng ‘‘domino effect’’ sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.

Tingnan natin kung mapipilitang sumunod yung mga makakapal ang mukha na ang alam ay mag-waldas ng kaban ng bayan. Hindi pa kasama ang kanilang pangungurakot. Tsk-tsk-tsk!
* * *
Inutil na nga, nasasangkot pa kung saan-saan. Kailangang buwagin na ang Task Force JERICHO ng DILG bago ito tuluyang maging katatawanan sa ating kapulisan.

May problema na nga ang imahe ng Philippine National Police, lalo pang madadagdagan hangga’t nandiyan ang Task Force JERICHO.

AYAW

AYON

BONCODIN

DAGDAG

DE VENECIA

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

IMBESTIGASYON

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SECRETARY EMILIA BONCODIN

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with