Ngunit papaano naman yung mga umaasa lang sa lokal na employment na hangga ngayoy di makakita ng trabaho? Ayon kay Labor Secretary Patricia Santo Tomas, nagsisikap naman ang Arroyo administration para maipuwesto sa trabaho ang mga kababayan natin sa pamahalaan man, pribadong sektor o sa ibang bansa. Dangan nga lamang, aniya lubhang tumaas ang bilang ng mga obrero sa bansa na ngayoy nasa 33.93 milyon na. Nangangahulugan na dumoble rin ang pagsisikap ng gobyerno para makatugon sa lumalaking labor force ng bansa.
Aniya, kung overseas employment ang pag-uusapan, sa kabila ng sigalot sa Iraq at ang pananalasa ng sakit na SARS, matatawag nating impressive ang nagawa ng Department of Labor and Employment sa pagkakaloob ng empleyo sa mga Pinoy nitong nakalipas na anim na buwan.
Sa loob ng semestreng ito, nakapagsara ang DOLE ng 24 na bilateral agreements sa ibang bansa para sa kapakanan at proteksyon ng mga OFWs.
Dagdag ni Sto. Tomas, itoy puntos sa pakikibaka ng gobyerno laban sa unemployment alinsunod sa inihayag ng commitment ni Presidente Arroyo sa kanyang State of the Nation Address (SONA), ani Sto. Tomas. Tinuran niya ang pagkakatatag ng DOLE ng mga Kabuhayan 2003 Action Centers na tumutulong sa milyun-milyong kababayan nating naghahanap ng trabaho.
Sana, dumating ang panahon na hindi na kailangang lumisan ng bansa ang isang obrero para kumita ng mas malaki dahil sa sarili nating bayan ay matutumbasan na ng mga employer ang sahod na kikitain ng isang manggagawa sa ibang bansa.