Smokey Mountain pagsubok kay GMA
July 28, 2003 | 12:00am
GUSTO kong bigyang daan ang hinaing ng mga kaibigan nating maralita na taga-Smokey Mountain sa Balut, Tondo. Apat na Presidente na ang naupo, wala pang pagbabago. Hamon ito sa liderato ni Presidente Arroyo na magtatapos na sa Mayo ng darating na taon.
Nagtayo ng mga temporary shelter ang pamahalaan para sa mga dating nakatira sa mga barung-barong. Tatlong taon lang ang taning na ibinigay at ang pangakoy ililipat sila sa itatayong condominium sa naturang lugar. Gutay-gutay na ang mga pansamantalang tirahan, di pa natutupad ang pangako. Masama ang mga lansangan. Kung umuulan nagpuputik, binabaha. Barado rin ang mga kanal.
Ang bilang ng mga residentey dumoble sapul noong 1995. Marami nang nagsipag-asawa, nagkaroon ng mga anak, kaya para na silang sardinas na nagsisiksikan sa maliit na lugar. Lumubha pa ang katayuan ng mga residente nang maglagay ng garbage transfer station sa Pier 8. Madalas mai-feature ang lugar na ito sa mga documentaries kaya ginagawang classic example bilang pinakadahop na lugar sa mundo. Anang isa sa mga residente na si Nenita Santiago, nang bagong upong Pangulo si Gloria Arroyo, pinangakuan silang makalilipat na sa mas disenteng permanent residence sa loob ng anim na buwan. Matatapos na ang termino ni GMA, wala pa ring linaw kung matutupad ang pangako.
P480 milyon na ang inilaan ng Malacañang para sa repair ng mga lilipatang condominium, pagtanggal sa mga natitira pang bundok ng basura. paglalagay ng mga daan at sewerage treatment plant. Pero bakit wala pang aksyon? Ang pera diumano ay iniipit ng ahensyang pangkabuhayan ng gobyerno na siyang nagrerebisa sa proyekto. Ano ba iyan, puro review na lang ba ang gagawin sa proyekto? Paano kung ibang Pangulo na ang uupo, eh di bibilang na naman ng kung ilang taong paghihintay ang mga kawawang residente?
Dapat seryosohin na ng Pangulong Arroyo ang pagkumpleto sa proyek-to dahil ang Smokey Mountain ang pinaka-modelo sa pangkalahatang programa sa pag-aangat ng kabuhayan ng bansa. Huwag na sanang pabayaang hadlangan ito ng maruming pulitika. Magsasagawa na naman ng State of the Nation Address ang Pangulo. Sanay hindi lang empty rhetorics ang marinig sa kanya. Sanay magkaroon na ng katuparan ang mga pangako niya sa nakaraang SONA.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended