^

PSN Opinyon

Totohanin sana ang laban sa mga corrupt

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
IPINAGHARAP ng kasong graft ng Department of Finance sina BIR assistant commissioners Edwin Abella at Percival Salazar, regional director Lucien Sayuno at Customs warehouse chief Manuel Valencia. Sila umano ay may malalaking pera sa banko, magagarang bahay at sasakyan.

Ang nakapagtataka ay kung bakit sila lamang ang nahuli samantalang sandamukal ang mga opisyal at mga kawani ng gobyerno na gumagawa ng katiwalian.

Marami pang halang ang bituka sa BIR. Marami rin sa Customs. Sabi, kung tatanungin daw ang 10 tao na gustong magtrabaho sa gobyerno, ang pipiliin daw ng siyam ay sa BIR at Customs. Ang isang hindi pumili ay sira ang ulo.

Ang isa pang kilala sa pagiging talamak sa graft and corruption ay ang Department of Public Works and Highways. Hindi na lingid sa kaalaman ng marami ang corruption sa DPWH. Ang departamento ang nababalitang gatasan ng ilang mga mambabatas at mga pulitiko. SOP (standard operating procedure) na nga raw iyon sa kanila.

Kung may political will at tototohanin ni President Arroyo ang paghuli at pagpapakulong sa mga tiwali, naniniwala akong gaganda na ang takbo ng bansa. Kapag nangyari ito, ang taumbayan na ang magmamakaawa kay President Arroyo na huwag nang umalis sa puwesto. Hindi pa huli ang lahat, Mrs. President!

DEPARTMENT OF FINANCE

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

EDWIN ABELLA

KAPAG

LUCIEN SAYUNO

MANUEL VALENCIA

MARAMI

MRS. PRESIDENT

PERCIVAL SALAZAR

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with