Gustong gawing collateral diumano ni Eusebio Garcia Jr., ng New Manila, Quezon City, ang kanyang lupang may TCT No. 112413, para umutang sa Filidian Rural Bank of Antipolo sa halagang P5 million.
Pero binukayo ito ni Garing matapos isumite ng isang nagpakilalang Elpidio Cruz, umanoy empleado ng nasabing banko ang mga fake papers.
Siyempre pinag-aralan muna ni Garing ang mga dokumento bago niya bukuhin ang transaksyon.
Matindi ang sindikato ng pekadores. Ang akala nila ay tatanga-tanga si Garing kaya pinalusutan nila ng spurious documents.
Ang kaso mas matalino pa si Garing sa matsing kaya hindi siya napaglalangan ng mga kamote.
Sinulatan ni Garing ang banko na si Mr. Garcia at ang bossing niyang si Honorable Benedicto B. Ulep, ng LRA sa QC main office, para ipagbigay alam ang buong pangyayari.
Mantakin mo kung nalusutan si Garing kawawa naman ito.
Masisibak na sa trabaho magbabayad pa ng P5 million at malamang wala pang makuhang benifits sa kanyang trabaho.
Sinong maniniwala na walang alam si Garing kung nakalusot ito sa kanyang paningin.
Mabuti na lang at bago ang salamin nitong suot kung hindi patay si Garing.
Mabuhay ka, Administrator Ulep, may mga tauhan kang tapat sa kanilang tungkulin, anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
Tiyak hindi alam ni Garcia ang transaksyong ito dahil kung alam niya siyempre hindi peke ang mga documents na makakarating kay Garing kung totoong uutang siya ng P5 million, sabi ng kuwagong Kotong cop.
"Dapat masusing imbestigasyon ang gawin ni Ulep dito para naman mabawasan ang mga gago.
Kasuhan ang mga hunghang na pekadores para madala at makulong.
Iyan ang tama, kamote.