Nakikita ko yung uri ng mental torture na dinadanas ni PNP chief. Hindi ako magtatakang mamamayat siya sa konsumisyong ito habang mainit na pinag-uusapan ang pagtakas ng tatlong terorista.
Kawawang si General EBDANE. Mahalintulad sa isang pinunong nilagyan ng ipot sa kanyang bumbunan ng kanyang mga pinagkakatiwalaang tauhan.
Makakatulong siguro kay Gen. EBDANE kung kusa na lang siyang magbitiw at huwag nang hintayin pang sibakin ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Nakatitiyak ako, na kusang loob din na tatanggapin ni GMA ang kanyang pagbibitiw.
Makabubuti ang kanyang pagbibitiw kung damage control at damage repair ang pag-uusapan. Sa bagay na to mapapadali ang top to bottom investigation ng walang pag-aalinlangan sa magsasagawa ng imbestigasyon kung wala sa puwesto si EBDANE.
Isang malaking kahihiyan sa mga kapitbahay nating bansa sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN). Hindi lang sa ASEAN kundi sa buong mundo sa pakikipaglaban nito sa terorismo.
Basahin ang kanilang mga text sa aming tanggapan:
Ilan sa mga hot car na yan ay umabot dito sa San Jose Batangas. Naloko nila ang mga nanahimik na residente ng Batangas. Isang konsehal at ilang kaibigan nito ang nangungumbinsi dito. Isinasanla nila ang hot car sa halagang P120,000 sa mga tao dito sa Batangas at pinapalabas nila na galing ito sa casino. After 3 months ay tutubusin daw ng may-ari tapos papalitan na lang daw nila ng kahit anong sasakyan. Sir Ben, sana po matulungan nyo maibalik yung mga perang nakuha sa mga tao dito sa Batangas. Sana ay mahuli na si Macusi nang huwag pamarisan. More power to you! God Bless! (0919-8279992).