Pinapatay na, hindi pa alam
July 15, 2003 | 12:00am
MISKI gigil si Roland Ullah sa Abu Sayyaf, pinaghinalaan siya ng militar na kumampi sa mga terorista. Ilang beses kasi nagka-tsansang tumakas si Ullah, kasama ang marami pang dinukot mula sa Sipadan Island, pero hindi siya sumama. Suspetsa ng militar, baka na-Stockholm Syndrome siya. Yon din ang napansin ng psychiatrists na gumamot sa hostages sa Sweden nung 1966 na nagalit pa nang barilin ng rescuers ang abductors.
Ang Stockholm Syndrome ay isang mental at emotional state, kalimitay panandalian lang, kung saan sumusimpatya na ang inapi sa nang-aapi. Isang-daang taon bago maganap ang terrorist kidnapping at rescue sa Stockholm, nagwala ang mga aliping Negro nang palayain sila ng mga among Puti sa Alabama matapos ang American Civil War. Sino na raw ang magpapakain sa kanila? Minasaker nila ang mga amo. Isang uri din yon ng Stockholm Syndrome.
Lumilitaw ang syndrome araw-araw sa mga kalsada ng Maynila. Galit ang pasahero sa bus kung mandarayat madungis ang konduktor, o barumbadot kaskasero ang driver. Pero kung itoy sitahin ng pulis, galit din ang pasahero. Maraming pagkakataon nang kumampi ang pasahero sa hinuling driver na overspeeding o konduktor na hindi naka-uniporme. Hindi maarok kung bakit. Awa kaya ang naramdaman ni pasahero, dahil isang kahig-isang tuka lang ang driver na minumultahan? Pero ibiningit-buhay siya ng reckless driver, at kaya nga ito kinumpiskahan ng lisensiya ay para magtanda. Simpleng muhi lang kaya sa awtoridad si pasahero, kaya kinampihan agad ang manlolokong konduktor nang pababain ng traffic enforcer. Pero naka-sandot sinelas lang kasi siya, kaya pinauwi at nilapatan ng disiplina.
Madalas, nakakalimutan ng biktima ang prosesot paraan ng batas. Sa Stockholm, unang naawa ang mga kinidnap nang gutumin ng pulis ang mga nangidnap. E parte yon ng psy-war para pahinain at pasukuin ang mga terorista. Sa Maynila, hinihigpitan ng awtoridad ang drivers at konduktor. Para yon maiwasan ang sakuna at bumuti ang serbisyo nila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest