^

PSN Opinyon

Editoryal - Kailan magkakaroon ng leksiyon ?

-
APAT na pambobomba na ang nangyayari sa Koronadal City at maaaring masundan pa ito kung hindi magkakaroon ng puspusang pag-iingat at magiging vigilant ang taumbayan. Ang taumbayan na ang mag-ingat sapagkat wala rin namang mahihita sa mga pulis o sa mga pinuno sa nasabing siyudad. Sa kabila na sunud-sunod na ang nangyaring pambobomba roon na pumitas nang maraming buhay, walang ginagawang matibay na hakbang ang kinauukulan kung paano mapoprotektahan ang mamamayan.

Itinanggi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang panibagong pambobomba sa isang palengke sa Koronadal. Wala raw silang nalalaman sa pangyayari. Ganyan din ang sinabi ng MILF noong May 10, 2003, ang huling insidente ng pambobomba na pumatay ng siyam na katao at sumugat nang may 40 katao. Sa pambobomba noong Huwebes, tatlo katao ang namatay at may 28 ang grabeng nasugatan. Kabilang sa namatay ang isang 11-anyos na batang babae na nagtitinda ng supot na plastik. Naghahanapbuhay ang inosenteng bata nang mamatay sa kagagawan ng mga uhaw sa dugo. Ang bomba ay inilagay sa talaksan ng mga damit na "ukay-ukay".

Sino nga ba ang aakong may responsibilidad sa pambobomba? Wala. Una nang tumanggi ang MILF. May nagsasabing ginawa ito upang madiskaril ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at MILF. Baka ang military mismo. Baka ang Jemaah Islamiyah (JI) na nagsagawa ng malawakang pambobomba sa Metro Manila noong Dec. 30, 2000 na pumatay ng maraming tao. Aywan.

Ang pinaka-mainam na magagawa ng gobyerno ay pakilusin ang military at tugisin ang mga responsable. Nagpalabas na sila ng sketch at marahil naman hindi na mahirap para sila hanapin. Ang pagiging vigilant na lamang ang dapat gawin ng taumbayan sapagkat hindi nga sila kayang protektahan ng namumuno sa nasabing lungsod. Kung nagkaroon lamang ng aral ang awtoridad sa Koronadal, hindi mangyayari ang pambobomba. Kung nagkaroon ng seryosong pagbabantay ang mga pulis sa lahat ng oras, hindi nakapasok sa palengke ang mga "uhaw sa dugo".

Ngayong may namatay na saka lamang uli maghihigpit ang kinauukulan doon. Magkakaroon ng puspusang pag-iinspeksiyon at pagrerekisa. Pagkaraan ng ilang linggo o isang buwan, balik na naman sa dating kaluwagan. Iyan ang sasamantalahin ng mga "uhaw sa dugo". Kailan nga ba magkakaroon ng leksiyon?

AYWAN

JEMAAH ISLAMIYAH

KORONADAL

KORONADAL CITY

METRO MANILA

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PAMBOBOMBA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with