Panawagan sa TF Jericho; Pa-bookies ng karera sa Sta. Mesa talamak
July 11, 2003 | 12:00am
TINATAWAGAN ng mga residente ng Barangay 570 sa Zone 56 sa Sta. Mesa, Manila ang Task Force Jericho para sugpuin ang naglilipanang pa-bookies ng karera sa kanilang lugar. Ipinarating na umano nila ang problema nila sa kaibigan kong si Supt. Manolo Martinez, hepe ng Station 4 ng Manila police at sa chairman nilang si Edgardo Moreno subalit panay tango lang ang itinugon sa kanila. Tiniyak ng mga residente na ang Jericho ay kikilos kaagad, tutal panay pasugalan sa Maynila naman ang pinupuntirya nila. Kaya hindi lang sina Buboy Go at Oscar Simbulan alyas Boy Abang, ang hari ng video karera at bookies ng karera sa Manila, ang nasasaktan tuwing sasalakay ang Jericho kundi maging ang hepe ng Manila police na si Chief Supt. Pedro Bulaong. May away kaya si Bulaong at Chief Supt. Manuel Cabigon, ang hepe ng Jericho? He-he-he! Kayo na mga suki ang maghusga sa sitwasyon ng dalawa.
Ayon sa sulat na nakarating sa akin, hindi lang si Boy Abang ang may puwesto sa lugar ni Moreno kundi maging sina Apeng Sy, Tom Pulis, at Milo Samson. Ang puwesto ni Apeng Sy ay matatagpuan sa mga bahay nina Jun Puroy sa 3495 sa kanto ng West Vigan at Domingo Santiago St., at Boyet Start sa 721 Domingo Santiago St., din. Ang kay Tom Pulis naman ay sa bahay ng isang Allan Nicdao sa 633-G Domingo Santiago St. at Caloy Capin sa 3420 West Vigan at Milo Samson sa bahay ni Agaton Lacap sa 887 Leo St., sa Balic-Balic, Sampaloc at Carlito Due sa 1908 Mindanao Ave., sa Sampaloc din.
Ang pinakamaraming puwesto ay kay Boy Abang na matatagpuan sa bahay ni Tess Ballesteros sa 3390 West Vigan, Manuel Nicolas sa 3409 West Vigan, Nestor Pamero sa 799-M Mindanao Ave., Sampaloc at Rossana Pastrana sa 837 Mindanao Ext. sa Balic-Balic, Sampaloc. Kumikita umano si Chairman Moreno ng tig-P300 kada puwesto kayat maliwanag na P3,000 ang kubransa niya kada linggo. Alam kaya ito ng mga kagawad ni Moreno na sina Rowena Balmeo, Ding de Castro, June San Juan at Ador Dicohen? He-he-he! Baka nabukulan na kayo diyan mga igan?
Kung sabagay, baka hindi kayang tibagin ni Bulaong ang mga puwesto ni Boy Abang dahil direkta umano ang intelihensiya ng hari ng bookies ng Maynila. Lalong hindi rin itataas ni Martinez ang kan-yang kamay na bakal dahil mukhang namantikaan na rin siya ni Boy Abang. Matatandaan na kaliwat kanan ang kumpas ng kamay ni Martinez noong bagong upong hepe pa siya ng Sampaloc pero sa kinalaunan eh tahimik din siya kung si Boy Abang ang pag-uusapan. Kayat tama lang na pumapel na si Cabigon sa problema ng mga ka-barangay ni Moreno, di ba mga suki?
Totoo rin ba na pinapakinggan ni Cabigon ang radio frequency ni Boy Abang na 822 o 833 para malaman niya kung saan-saan ang puwesto nito? Kaya minsan nasusuyod ng mga tauhan ni Cabigon ang mga nakahilerang puwesto ni Boy Abang sa Tondo?
Dapat din sigurong sagutin ni Cabigon ang puna sa kanya ng Manilas Finest na panay Maynila lang ang pinapakialaman niya at umiiwas siya sa kaharian ni Chief Supt. Marcelino Franco Jr., ang hepe ng Northern Police District (NPD) at iba pang lugar tulad ng Laguna, ang home province ni Secretary Lina? Ang panawagan ng Manilas Finest, maging parehas ka General Cabigon Sir?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended