Kamakailan, 144 na sasakyan daw ang mga na-recover ng Special Operations Group TASK FORCE JERICHO sa ilalim ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Isang "massive manhunt"daw ang pinag-utos ng TASK FORCE JERICHO sa pinaghihinalaang utak ng sindikato na si AMINAH MACUSI na umanoy asawa ni Police Colonel RONALDO MACUSI.
Ito ang naging dahilan at nagtulak sa aming investigative team sa TV, ang BITAG, para tapusin ang aming sinimulang imbestigasyon laban sa sindikatong ito nung buwan ng Abril pa.
Estilo ng sindikatong ito rentahan ang mga sasakyan mula sa mga rent-a-car companies. Nagagawa ng mga ito isangla ang mga sasakyang na kanilang nirentahan sa mga casino financiers.
Nabebenta rin ng mga sindikatong ito ang mga sasakyan sa tulong ng kanilang mga koneksyon sa loob ng Land Transportation Office (LTO) maging sa Traffic Management Group (TMG).
Para sa BITAG, maliit na isda lang si AMINAH MACUSI. May mga malalaking tao sa itaas niya.
Napag-alaman ng BITAG, wala pang isinasagawang pormal na imbestigasyon ang TASK FORCE JERICHO dahil nauna pa ang pagpapapogi nila sa media sa pagkakarecover daw ng 144 na mga sasakyan na "drawing" lang pala.
Ayon sa Junior Mistah nitong si Colonel MACUSI na si Navy Lieutenant Eduard Prades isa siya sa mga nabiktima ni AMINAH MACUSI na nagpakilalang DULCE MACUSI.
Mismong si Colonel MACUSI raw ang nagseset ng appointment sa kanila ni AMINAH para aregluhin ang problema. Alam daw ni Colonel MACUSI ang mga illegal na gawain ni DULCE kayat pati si Colonel nakikiusap na rin kay Lieutenant PRADES.
Nakapagtatakang lahat ng mga dokumentong ipinakita sa BITAG ni Lt. PRADES ay illegal na ginawa sa LTO at TMG Pampanga. Napalitan pati ang pangalan ng orihinal na nagmamay-ari ng sasakyan na si Lt. PRADES sa official receipt (OR).
Mapapansin ang dalawang pirma ni Colonel Elmer Soria na parehong-pareho sa pirma na nasa pekeng OR-CR ng ibinentang Crosswind.
Panoorin ang buong detalye, eklusibo sa BITAG lamang na hindi nyo mapapanood sa anumang television network ngayong Sabado, 5:00-5:30 ng hapon sa ABC-5.