^

PSN Opinyon

'Bgy. chairman' ng senador ayaw tumayo sa pokpok

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang hindi tumayo ang ‘‘barangay chairman’’ ng isang senador nang regaluhan ng magandang pokpok?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday kay Manong Ed Alcaraz ng Unilab mula sa Club 22, John Galang, Erick Rempillo at Von Papa Canosa ng Quezon City.
* * *
Alam n’yo bang napahiya ang isang senador nang regaluhan ng magandang pokpok?

Ayon sa aking bubuwit, itong paga-betty anyos na pokpok ang idineliver sa Hyatt Hotel sa Roxas Blvd., Pasay City.

Dahil senador ang niregaluhan, siyempre hindi basta-bastang pokpok ang ibinigay. First class ika nga. Nagkakahalaga ng P15,000. Ang pokpok ay mestisahin, sexy at saka makinis.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, pagdating nina senador sa kuwarto ng Hyatt Hotel ay nag-shower sila. Hindi naman sila sabay. Naunang nag-shower ang pokpok. Pagkatapos ay si Mr. Senator.

Siyempre, pagkatapos niyan, ano pa nga ba ang susunod? Mainit na romansahan.

Kaya lang, ilang minuto nang nagla-loving-loving si Mr. Senator at ang pokpok ay hindi pa nagagalit si barangay chairman.

Upang maantig si Mr. Senador tinarbaho siya ni pokpok. Humalik kay senator mula ulo hanggang pababa, pero wala pa ring pagbabago.

Halik dito, halik doon pero wala talaga.

Hinipo-hipo na ang dalawang barangay tanod pero wa-epek pa rin.

So anong nangyari?

Sweet surrender si Mr. Senator.
* * *
Naku, sayang naman yan Mr. Senator. Sayang na siya, sayang pa yung P15,000.

Sa susunod Mr. Senator, kapag ganyang may aksiyon, dapat ay bumili ka ng viagra.

Ang senador na hindi tinayuan sa isang maganda, seksi at mestisahing pokpok na iniregalo sa kanya ay si…

Baka palyado na ang kanyang puso kaya hindi uminom ng viagra? Ang senador ay si Sen. R. as in Retreat.

AYON

ERICK REMPILLO

HYATT HOTEL

JOHN GALANG

MANONG ED ALCARAZ

MR. SENADOR

MR. SENATOR

PASAY CITY

POKPOK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with