Subalit iginiit nina Moussa na hindi sila maaaring kasuhan ng paglabag sa PD 1866 dahil ang mga nakuhang bagay ay hindi naman nila aktwal na pag-aari.
Tama ba sina Moussa?
HINDI. Ang aktwal na pag-aari sa mga amunisyon at armas ay hindi kinakailangang elemento para sa prosekyusyon sa ilalim ng PD 1866. Ang pag-aari ay maaring alinman sa dalawa: Pisikal o konstruktibo na may animus possidendi o ang intensyong pag-aari ng armas. Ang animus possidendi ay isang kundisyon ng pag-iisip kung kaya matutukoy lamang ito sa pamamagitan ng mga nauna at kasalukuyang aksyon ng akusado at sa mga pangyayari na magsasabi kung paano napunta sa kanyang pag-aari ang mga armas at amunisyon.
Ang mga ito ay kinakailangang patunayan sa paglilitis ng kaso ( Al Ghoul et. Al. Court of Appeals G.R. 126859 September 4, 2001).