Ako po ay fourth year college na ngayong pasukan. Ibig ko po sanang gawing thesis ang tungkol sa programang pabahay ng gobyerno kung kaya kinakailangan ko pong makalikom ng maraming impormasyon tungkol sa ibat-ibang programa at proyekto ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at lahat ng ahensiya sa pabahay gaya ng Pag-IBIG, NHA at iba pa.
Meron po bang website ang HUDCC? Anu-ano po ang makikita ko rito? Magiging mas mabilis po ang aking pagsasaliksik kung sa pamamagitan ng internet ay makikita ko po ang mga impormasyong aking kakailanganin.
Maraming salamat po at sana ay ipagpatuloy ninyo ang pagiging inspirasyon sa katulad kong kabataan.
ANTHONY
Natutuwa ako at nais mong gumawa ng pag-aaral tungkol sa programang pabahay ng gobyerno. Upang mapabilis ang iyong pag-research, maaari mong puntahan ang website ng HUDCC sa www.hudcc.gov.ph dito mababasa mo ang programa at direksiyon sa programang pabahay. Makikita mo rin dito ang tungkol sa lahat ng ahensiya ng pabahay ng gobyerno gaya ng NHA, Pag-IBIG, Home Guaranty Corporation, National Home Mortgage and Finance Corporation at Housing and Land Use Regulatory Board.
Mababasa mo rin dito ang ibat-ibang proyekto sa pabahay at ang mga lokasyon nito. Nakalagay din sa aming website ang paraan at proseso sa pag-apply ng housing loan para sa mga gustong makapag-pundar ng sariling bahay at lupa. Makikita rin dito ang mga mahahalagang batas na may kinalaman sa pabahay.
Sana ay makatulong ang mga impormasyong makikita mo sa aming website para sa iyong thesis. Maraming salamat sa iyong pagsulat at patuloy na pagtangkilik sa PSN.