^

PSN Opinyon

Vendors sagipin sa 'loan sharks'

- Al G. Pedroche -
LOAN SHARKS ang tawag sa mga nagpa-five-six. Mga "anak-ng-pating" na nagsasamantala sa mga vendors na walang sapat na puhunan. Kahit sobra-sobra ang patubo ng mga ito’y walang magawa ang mga pobreng nagtitinda kundi kumagat sa kondisyon nila. Gaano man kabigat. Kapit sa patalim.

Balita ko’y may bagong proyekto ang Department of Trade and Industry para sagipin ang mga kawawang vendors sa kuko ng mga usurero. Inatasan ni Trade Secretary Mar Roxas ang SB Corp. na pondohan ng P10 milyon ang programang pagpapautang ng National Vendors Confederation of Cooperatives (Namvesco). Sana lumawak pa ito at maging pangmatagalan sa kapakanan ng mga maliliit nating kababayang nagsisikap mabuhay nang marangal. Pero linsyak, ang binubuhay pala nila’y mga masisibang usurero! Kunwa’y nagpi-finance sa kanila pero sinisimot pati kahuli-hulihang patak ng kanilang dugo. Kaya napapanahon ang proyektong ito ng DTI. Ang maganda sa programang ito’y hindi isang dole-out o bigay. Pautang ito ng gobyerno na babayaran ng mga vendors sa napakagaan na paraan.

Ang SB Corp. ay isang sangay ng DTI na may pondong P25 milyon na nakalaan bilang kapital ng mga market vendors. Ang Namvesco naman ay isang pederasyon ng 46 na market vendors cooperatives na itinatag noong Agosto 1979 ni dating Assemblyman Luis Taruc. Sa bisa ng isang kasunduan, pinautang ng SB Corp. ang Namvesco ng P10 milyon na ipauutang naman ng Namvesco sa mga kasapi ng Market Vendors Cooperatives sa Maynila, Quezon City, Rizal, Laguna at Batangas.

Ayon kay Roxas, ang bawat miyembro ng mga MVCs ay puwedeng umutang ng hanggang P50,000 upang magamit sa kanilang negosyo. Malaki-laking puhunan na iyan para mapaunlad ang kabuhayan ng ating mga kababayang vendors. Ang programang ito ay ayon sa plano ng pamahalaan na maitaas ang antas ng kabuhayan ng mamamayan.

Hindi lang iyan. Naglaan din ang SB Corp ng P15 milyon upang pondohan ang mga proyekto ng MVCs sa ilalim ng tinatawag na "development loans." Ang pautang ay puwedeng gamitin ng mga MVCs sa pagbili ng mga ari-arian at iba pang proyektong pakikinabangan ng kanilang mga miyembro.

ANG NAMVESCO

ASSEMBLYMAN LUIS TARUC

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

MARKET VENDORS COOPERATIVES

NAMVESCO

NATIONAL VENDORS CONFEDERATION OF COOPERATIVES

QUEZON CITY

TRADE SECRETARY MAR ROXAS

VENDORS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with