^

PSN Opinyon

Taksan-taksan ang pera ng isang Customs official sa Cebu

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
HAWAK ko ang isang derogaratory information mula sa PNP Special Task Group tungkol sa isang customs official na super millionaire sa Cebu City.

Kung paano yumaman ito iyan ang pagkukuwentuhan natin, Commissioner Tony Bernardo, Your Honor.

Sa intel report ng PNP, inginunguso si Waway Lowlow, ang bansag dito sa kanyang lugar porke may diprensiya raw ito sa pantog kaya wewee nang wewee. Sinasabing sangkot sa operasyon ng droga diyan sa Cebu.

Siguro dapat ng kalusin si Waway Lowlow, para hindi na dumami ang mga adik diyan sa kanyang probinsiya.

Kung nasa Metro-Manila ka Waway Lowlow siguradong chop-chop ang etet mo sa vigilante group na galit sa mga drug lord na tulad mo.

Matindi si Waway Lowlow, dahil sa dami ng pitsa nito kayang-kaya niyang tapalan ang lahat ng taong babangga sa kanyang negosyo. PDEA bossing Avenido, please check this guy!

Hindi lamang sa droga kumita ng limpak-limpak na salapi itong si Waway Lowlow kundi pati sa rice smuggling operation ay kasama rin ito at naging financer sa sobrang yaman.

Maraming anomalya sa katawan si Waway Lowlow basta malaking pera ang kanyang kikitain kasi sumososyo pa ito! A-10-shun, First Gentleman, pangalan mo ang isinasangkalan nito pagdating sa rice smuggling. Sabi ng mga concerned citizens na nagsumbong sa mga kuwago ng ORA MISMO.

Hindi birong pitsa ang kinita ni Waway Lowlow, kahit na hindi siya kuwalipikado sa kanyang puwesto sa Customs.

Dahil sa droga, nakabili ito ng five units apartment sa Cebu City, isang magarbong bahay sa Banilad, isang luxurious residential house with matching swimming pool sa Lapu-Lapu City. Ten million pesos lang naman ang halaga nito.

Paging Honorable Dario Rama ng Presidential Anti-Graft Commission, paki-check ang kabuhayan ng tarantadong si Waway Lowlow.

Pina-doble check ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung anong klaseng tao si Waway Lowlow. Kung talagang big-time ba sa Cebu ang kanyang ninuno o isang kahig, isang tuka ang tarantado.

Sa information na ibinigay ng intel unit, dati itong maglulupa.

Base sa Computer and Fingerprint section ng Bureau of Immigration madalas umalis ng bansa si Waway Lowlow, para lamang mag-wewee sa abroad dahil may deprensiya ang pantog nito. Dahil mataas ang puwesto ni Waway Lowlow sa bureau ido-double check natin ito sa Malacañang kung may travel clearance.

‘‘Ang PAGC, Ombudsman at Intel group sa Crame ang dapat mag-imbestiga kay Waway Lowlow,’’ anang kuwagong Kotong cop.

‘‘Waway Lowlow ba talaga ang pangalan nito?’’ tanong ng kuwagong sepulturero.

‘‘Bakit?’’ anang kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.

‘‘Paano maiimbestiga- han kung hindi ito ang tunay niyang name?’’

‘‘Kaya nga sabi ko nasa akin ang derogatory report kaya pag-ginaybi ko ang dokumentong hawak ko sa authorities tiyak kong sasabit ito,’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Ano ang maganda sa palagay mo?’’

‘‘Siguro dapat na itong ikulong.’’

BUREAU OF IMMIGRATION

CEBU

CEBU CITY

COMMISSIONER TONY BERNARDO

COMPUTER AND FINGERPRINT

CRAME

LOWLOW

WAWAY

WAWAY LOWLOW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with