Bilang pinakamatandang colonial City, maraming landmarks sa Cebu gaya ng Fort San Pedro na nasa wharf area ng siyudad. Marami ang namimili sa Colon, ang Chinatown ng Cebu. Masayang pasyalan ang Fuente Osmeña, ang park na ipinangalan sa Cebus Grand Old Man, ang yumaong Presidente Sergio Osmeña Sr. Itinayo noong 1595 ang University of San Carlos ng mga Dominican Fathers at sa museo nito matatagpuan ang extensive collection of antropological and biological artifacts.
Sa Southwestern University Museum naman ay ang koleksyon ng pre-colonial and colonial artifacts. Ang Casa Gorordo na nasa Lopez Jaena Street ay siyang ancestral home ng Kauna-unahang Obispo ng Cebu.
Ang Jumalon Museum, Butterfly Sanctuary and Art Gallery ay siyang pribadong museum ng yumaong lepidopterist na si Professor Julian Jumalon na ang hardin ay punumpuno ng libu-libong paru-paro. Isa pang paboritong Catholic pilgrimage spot ay ang Celestial Garden na makikita ang life-size replica ng 14 Stations of The Cross. Maraming pasyalan, paliguan at recreation places sa Cebu na kinagigiliwan ng mga dayuhang turista.