"Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay, sabi ni Jesus. Ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom, at ang nananalig sa akin ay hindi mauuhaw kailanman.
"Ngunit sinabi ko na sa inyo: Nakita na ninyo ako, gayunmay hindi kayo nananalig sa akin. Lalapit sa akin ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama. At hindi ko itataboy ang sinumang lumalapit sa akin. Sapagkat akoy bumaba mula sa langit, hindi upang gawin ang kalooban ko, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. At ito ang kanyang kalooban: Huwag kong pabayaang mawala kahit isa sa mga ibinigay niya sa akin, kundi muling buhayin sila sa huling araw. Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama: Ang lahat ng makakita at manalig sa Anak ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. At silay muli kong bubuhayin sa huling araw."
Ang mga Judio, sa Lumang Tipan, ay kumain ng tinapay na ibinigay ni Yahweh. Ito ay nangyari sa pamamagitan ng panalangin ni Moises. Ngayon, inihahandog ni Jesus ang tinapay na ibinigay ng Ama. Ang lahat ng mga pangyayaring ito ay sumasagisag at nagsasaad kung ano ang gagawin ng Diyos para sa mga Israelita. Ang handog na ito ay ang katawan at dugo ni Jesus. Sa bandang huli, itatatag ni Jesus ang Eukaristiya. Ang Eukaristiya ay naibigay na sa Simbahan. Sa pamamagitan ng mga apostoles, ang mga obispo, kaparian at mga deakono ay pinakakain ng katawan at dugo ni Jesus. Si Papa Pio X ay nagrekomenda na mangumunyon araw-araw ang mga tao ayon sa makakayanan at pagnanais nila . Subalit ito ay nangangahulugan na ang mga tao ay dapat nasa tamang disposisyon. Hindi sila dapat nasa estado ng pagkakaroon ng malaking kasalanan o kasalanang mortal.
Ngayon, lalot higit kung Linggo, napakaraming tao ang tumatanggap ng Tinapay ng Buhay. Ang Tinapay ng Buhay na ito, gaya nang sinabi ni Jesus, ay nagbibigay ng walang-hanggang buhay.