^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Smuggling ng sasakyan talamak na naman

-
ILANG buwan na ang nakararaan, sinabi ng isang grupo ng mga dayuhang negosyante na ang Pilipinas ay "paraiso ng mga smuggler".

May katotohanan ito. Matagal nang "paraiso ng mga smuggler" ang Pilipinas. Lahat ng klaseng produkto ay iniismagel dito. Hindi lamang mga pangunahing produkto na tulad ng bigas, asukal, sibuyas, semento kundi pati illegal drugs ay "ibinabagsak" dito. Ngayon, pati mga sasakyan ay maluwag pa ring iniismagel sa bansang ito. Walang kahirap-hirap ang mga smugglers sa pagdadala ng kanilang kontrabando sapagkat pera lamang ang katapat sa mga "buwayang" nasa Bureau of Customs.

Matagal nang panahon ang pamamayagpag ng mga smuggler ng sasakyan. Noong panahon ni dating President Estrada, sandamukal ang mga smuggled na sasakyan. Talamak ang smuggling sa panahon ni dating Customs Commissioner Nelson Tan. Binatikos ng media at naglutangan ang mga luxury vehicles, Expedition, BMW, Jaguar at marami pang iba. Sa yamot ni Estrada, sinibak si Tan at ang mga sasakyan ay ipinarada at sa Malacañang muna iginarahe. Nagmistulang tindahan ng sasakyan ang Malacañang. Ilang linggo ang nakaraan, ang mga smuggled na sasakyan ay napabalitang inisyu sa mga Cabinet member. May mga Cabinet member na may delikadesa at hindi tinanggap ang luxury vehicles na inisyu sa kanila. Isa si dating Education Sec. Bro. Andrew Gonzales na tumanggap umano ng Expedition mula kay Estrada.

Noong nakaraang linggo, nagsagawa ng imbestigasyon ang Senate ways and means committee at ibinulgar nilang may 8,500 luxury vehicles ang ipinasok sa Manila port noong nakaraang taon. Ang nakagigimbal dito, undervalued ang halaga ng mga mamahaling sasakyan na kinabibilangan ng BMW Z3 Roadster, Volkswagen model 2002, Jaguar, Land Cruiser, Pajero at marami pang iba. Nagkakahalaga lamang ang BMW ng P74,000; Volkswagen, P27,237; Jaguar, P500,000; Land Cruiser, P297,000; at Pajero P191,000.

Maiimpluwensiyang tao ang nasa likod ng talamak ng smuggling. Malakas na tao na matindi ang kapit sa pulitiko na may kontak naman sa Malacañang at Bureau of Customs. Kawing-kawing ang kanilang koneksiyon.

Nagsimula na ang Senado sa kanilang imbestigasyon, at ngayon pa lamang maitatanong na kung saan ito aabot. Ito ba ay katulad din nga ng mga nakaraan na wala rin namang naabot at walang naparusahan sa Customs. Aksyon ang kailangan at hindi pampapogi lamang.

ANDREW GONZALES

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER NELSON TAN

EDUCATION SEC

LAND CRUISER

MALACA

MATAGAL

NOONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with